Maine Mendoza thankful to fans who voted for her at Nickelodeon Kids' Choice Awards: "Sulit ang kadudutdot!"

Pinasalamatan ni Maine Mendoza ang lahat ng mga bumoto sa kanya para mapanalunan ang Favorite Pinoy Personality award sa 2016 Nickelodeon Kids' Choice Awards kung saan natalo niya sa parehong kategorya sina Kathryn Bernardo, Enrique Gil, at James Reid.


Malaki ang pasasalamat ni Maine Mendoza sa lahat ng bumoto sa kanya para mapagwagian ang Favorite Pinoy Personality award sa 2016 Nickelodeon Kids’ Choice Awards (KCA).

Kahapon, March 14, inilabas ng Nickelodeon ang listahan ng mga nagwagi mula sa Pilipinas.

Tinalo ng tinaguriang Dubsmash Queen sa nasabing kategorya ang Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo, Enrique Gil, at James Reid.

Sa kanyang post sa Instagram kagabi, sinabi ng Kapuso phenomenal star na naramdaman niya ang labis na pagmamahal sa kanya ng fans.

Pahayag ni Maine, “Whoa there! What a pleasant way to start my week!

“Thank you everyone for all your efforts!

“Sa lahat ng bumoto, from morning til evening, sa mga nagpuyat para mag-tweet for me, sa inyong lahat!

“Too bad I won't get slimed but getting this award is more than enough for me!

“I wouldn't win this if not because of all your efforts!

“From the bottom of my heart, maraming-maraming salamat sa lahat!

“My heart is filled with so much love from all of you guys! Sulit ang kadudutdot! Congratulations sa ating lahat!”

Samantala, si Jeron Teng naman ng De La Salle University ang itinanghal na Favorite Asian Sports Star.

Read: Maine Mendoza wins against Kathryn Bernardo, James Reid, Enrique Gil at Nickelodeon Kids' Choice Awards 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN