Paolo Ballesteros suspended from Eat Bulaga over Facebook rant?

Ayaw kumpirmahin ng TAPE Inc. ang balitang suspendido sa Eat Bulaga! si Paolo Ballesteros dahil sa kanyang pasaring sa Facebook nitong nakaraang Huwebes, March 10. Tinalakan ni Paolo ang isang staff nila dahil daw sa hindi pag-aasikaso sa kanya at sa mga kasamahan niya.


Suspendido nga ba si Paolo Ballesteros sa noontime show na Eat Bulaga?

Simula kasi noong Biyernes, March 11, hanggang ngayong araw ay hindi pa rin napapanood sa longest-running noontime show ng Kapuso network si Paolo.

Kaya naman maraming mga tagahanga ng "Kalyeserye" segment ng show ang nakaka-miss na sa kanyang karakter na si Lola Tidora -- kapatid nina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo).

Pero bakit nga ba wala si Paolo sa show?

Ayon sa usap-usapan sa ilang blogs at tabloid news items, ang Facebook rants ni Paolo noong Huwebes, March 10, ang naging mitsa diumano upang bigyan siya ng "disciplinary action" ng TAPE Inc, ang producer ng Eat Bulaga.

THE FACEBOOK RANTS. Base sa mga ulat, noong March 10 ay may isang event guesting daw si Paolo pagkatapos ng Eat Bulaga.

Ngunit tila na-bad trip daw ang TV host-actor dahil walang nag-asikaso sa kanila pagdating sa venue.

Sa pamamagitan ng Facebook, paisa-isang nag-post ng status si Paolo tungkol dito.

Burado na ang mga ito ngayong araw sa kanyang timeline, pero may mga nakapag-screen shot naman nito at nai-post sa ilang blogsites.

Bandang 2:57 P.M. ng Huwebes, nag-post si Paolo ng ganitong mensahe sa kanyang Facebook.

Screenshot ito sa kanyang cellphone na maaaring mensahe niya sa isang nagngangalang “Liza Marcelo Lazatin.”

Sabi sa mensahe: “UHM EXCUSE ME MGA MAGAGALING NA PRODUCTION, ANDITO NA HO ANG MGA MAIN HOSTS NINYO SA HOTEL. WALA MAN LANG TAO DITO NA MAGAASIKASO SAMEN AT KAME PA MISMONG MGA MAIN HOSTS ANG MAGAAYOS NG KWARTO NAMEN? HINIHINGAN PA KAMI NG ID NG HOTEL.”

Bandang 3:43 ng hapon, ganito naman ang post ni Paolo (kalakip ang screen shot ng isang Facebook private message])

“Ah baka po gusto nyo na pong mag-reply or magpapunta po ng tao dito sa hotel po para sabihan kame po kung ano po ang mangyayare po. 30 minutes nyo na po na-READ yung text ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naka-tag din ang mensaheng ito sa Facebook account ni Liza.

Bandang 4:39 P.M., muling nag-post si Paolo sa kanyang Facebook.

Sabi niya: “Akalin mo yon??? Isang oras at kalahati na kame nakahiga sa room namen? Hanggang ngayon wala pa reng nagsasabe samen kung anong oras at anong mga kaganapan??? Nakapagrant nako nyan dito sa fb ha! Waw. Titigas ng mga mukha nyo ha Liza Marcelo Lazatin.”

Mga alas-5:11 ng hapon, tila naubos na ang pasensiya ng TV host.

Sabi niya, “Sa mga bumubuo ng production ng pesteng event na to, hindi ko alam kung sino sino kayo dahil si Liza Marcelo Lazatin lang naman ang nagtetext saken nung una, im sure lahat kayo may FB at mababasa nyo to kaya dito ko na lang sasabihin.

“E total hanggang ngayon wala pa ring nagsasabe sa amen kung anong magaganap, pati mga makeup artist namen at wardrobe andito na sa room lahat kame CLUELESS, at wala atang may alam sa inyo kung ano ang magaganap, oorder nako ng redhorse at iinom nalang ako sa kwarto ko ok. Wag nyo kong IISTORBOHIN. Bow. Shot na.”

SUSPENDED? Ayon sa mga ulat, ang event na dapat ihu-host ni Paolo ay ang Ad Summit Pilipinas 2016, na ginanap sa Subic Bay Freeport Zone noong March 9 to 12.

Ayon sa kolum ng PEP contributor na si Jojo Gabinete sa Abante kahapon, March 14, ang dinner sponsor sa Ad Summit noong Huwebes, March 10, ay ang TAPE Inc., producer ng Eat Bulaga, kung saan kabilang si Paolo.

Nagsilbing hosts sa dinner event sina Vic Sotto, Pia Guanio, Anjo Yllana, Allan K., Ruby Rodriguez, Pauleen Luna, Ryzza Mae Dizon, Wally Bayola, at Jose Manalo.

Wala sa pagtitipon si Paolo.

Epic!!! #EatBulaga #ComeOutAndPlay #AdSummitPH2016 #aldub34thweeksary

Posted by AD Summit Pilipinas on Thursday, March 10, 2016

Thank you, Eat Bulaga/TAPE for hosting our dinner tonight. Thanks, Mr Tony Tuviera! #AdSummit2016 #ComeOutandPlay #eatbulaga-@alexsyfu

Posted by AD Summit Pilipinas on Thursday, March 10, 2016

Hi #Yayadub! #AdSummitPH2016 #aldub34thweeksary #ComeOutandPlay Photo from: Philippine Star

Posted by AD Summit Pilipinas on Thursday, March 10, 2016

Ayon pa kay Jojo, wala pang linaw kung kailan babalik si Paolo sa Eat Bulaga! dahil baka kausapin muna raw siya ni Mr. Tony Tu­viera, ang big boss ng TAPE Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base naman sa pananaliksik ng PEP sa Facebook, ang tinalakan ni Paolo sa text at sa kanyang FB posts na “Liza Marcelo Lazatin” ay isa sa writers nila sa Eat Bulaga.

"INTERNAL MATTER." Kaugnay ng isyung ito, tinanong ng PEP ang senior vice president ng TAPE Inc. na si Ms. Malou Choa-Fagar kung totoo nga bang suspendido si Paolo sa show, ngunit tumanggi itong kumpirmahin ang balita.

Ayon sa kanyang mensahe sa amin: “It is an internal matter and like all other internal matters, it is our company's policy not to discuss it in public.”

Bukas ang PEP sa panig ni Paolo ukol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN