Regine Velasquez reveals miscarriage before marrying Ogie Alcasid

Regine Velasquez suffered miscarriage before she and husband Ogie Alcasid got married on December 2010. This sad experience, according to Regine, led her to turn to God.


Sa unang pagkakataon ay inamin ni Regine Velasquez na nakunan siya sa una sana nilang anak ni Ogie Alcasid, bago pa sila ikasal noong December 22, 2010.

Dahil sa nangyaring iyon, nagkaroon daw ng depresyon ang Asia’s Songbird na tumagal ng isang taon.

Pero ito rin daw ang naging turning point upang maging Born-Again Christian siya.

Pagbubunyag ni Regine sa upcoming episode ng Tonight With Arnold Clavio (TWAC) sa GMA News Channel 11, “During nung time na yun, galit na galit ako kay God, kasi nga I lost a baby.

“Konti-konti, pumupunta na ako sa Victory [Christian Fellowship]... slowly, slowly.

“My husband didn't want to force me, so slowly, nag-build ulit yung relationship ko with Christ.”

Ngunit binayayaan naman ulit ng anak sina Regine at Ogie -- si Nate, na apat na taong gulang na ngayon.

Si Ogie ay may dalawa ring anak na babae sa una niyang asawa na si Michelle Van Eimeren na parehong naka-based sa Australia.

Mapapanood ang buong interview kay Regine sa 6th anniversary two-part special ng TWAC na eere sa GMA News Channel 11 sa March 16 at March 23.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN