Piolo Pascual, Shaina Magdayao, Direk Jerry Sineneng support call for better working filming condition

Piolo Pascual, Shaina Magdayao, and director Jerry Sineneng echo sentiments of their colleagues about the existing working conditions in the film and TV industry.


Suportado nina Piolo Pascual, Shaina Magdayao, at Direk Jerry Lopez Sineneng ang panawagan ng mga kasamahan nila sa industriya na mapabuti ang kundisyon ng mga nagtratrabaho sa harap at likod ng camera.

Ito ay nag-ugat sa magkasunod na pagkamatay ng mga direktor na sina Wenn Deramas at Francis Pasion dahil sa cardiac arrest at heart attack.

Ganito rin ang ikinamatay ng direktor na si Gilbert Perez noong 2008. Kasalukuyan namang comatose ang talent manager at talent coordinator na si Cornelia "Tita Angge" Lee.

Bunsod nito ay nagpahayag ang filmmaker na si Quark Henares na posibleng “horrible working hours and conditions” ang dahilan ng pagpanaw at pagkakasakit ng maraming nagtatrabaho sa industriya.

Read: Quark Henares blames 'horrible working hours' as cause of death of directors

Halos ganito rin ang panawagan ng singer-actor na si Aiza Seguerra.

Sa press conference para sa finale ng You're My Home kagabi, March 15, natanong si Direk Jerry Sineneng tungkol sa sitwasyon na ito.

Ayon sa direktor, nais din niya ng “makataong” working hours.

I'm totally for it, sinusuportahan ko po yun.

I'm just hoping na sana mayroon tayong ma-reach na common grounds na beneficial sa lahat ng parties -- sa producers, sa directors, artista, sa ating lahat.

“Ipinapanalangin ko talaga na maayos ang lahat ng problema, yung hindi masyadong masasaktan ang producers or network.

“Yung makataong working hours.”

PIOLO PASCUAL. Sa hiwalay na panayam naman sa Kapamilya actor na si Piolo Pascual, sinabi niyang maganda ang panawagan na ito ng mga taga-industriya, ngunit maaaring mahaba-haba pa ang magiging pag-uusap tungkol dito.

You know, it's going to be a long discourse, a long process,” sabi ni Piolo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa blog conference ng pelikulang Hele Sa Hiwagang Hapis noong Linggo, March 13.

Ngunit diin niya, “Of course, these are signs na huwag nating balewalain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At the end of the day, I'm all for health -- hindi lang makakapagpabata kundi pati makakapagpatagal ng buhay natin, so it's up to us.

I guess it's important now na nagkakaroon ng ganitong awareness para at least alam din natin kung hanggang saan tayo and what we can offer.

But it's going to be a long discourse.

I'm all for what is beneficial. I'm all for what is healthy para sa lahat, para naman hindi magkasisihan sa huli.”

SHAINA MAGDAYAO. Sa kabilang banda, mas nais bigyang-pansin ni Shaina Magdayao ang kalagayan ng production staff kaysa sa mga artista.

Sa panayam ng PEP at Cinema News kay Shaina, sa Sky Alive event noong Linggo, sinabi niyang silang mga artista ay may cut-off time na pagdating sa taping.

Alam mo, nag-start na 'yan sa amin, more than a year na meron na kaming cut-off.

Unfortunately, siyempre hindi laging nasusunod.

“That cut-off applies to us only, hindi sa mga tao behind the camera.

“So, mas nahihirapan sila, sa totoo lang.

After the taping, may iba pa silang trabaho, babalik pa sila. Kami uuwi na or se-segue sa kabilang set.”

Kaya naman katulad ng iba, umaasa rin si Shaina na para sa kabutihan ng lahat ang magiging resulta ng panawagan tungkol sa mas maayos na sistema sa taping.

“I am hoping, with everything that's happening, sana magawan na ng paraan, sana maging united.

It's not just for us na mga artista but also para sa mga crew namin o mga staff namin.

Para din sa ikabubuti ng buong industry.

I don't know kung posible, pero kung matutulungan naman at magkakaisa, wala naman sigurong imposible.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN