Jessy Mendiola clarifies closeness to JC de Vera: "Hindi po, hindi kami."

Jessy Mendiola on team-up with JC de Vera: "Honestly, never akong nagkaroon ng partner na sobrang kumportable ko."


Nilinaw nina JC de Vera at Jessy Mendiola ang estado ng relasyon nila ngayon.

Madalas kasi ang pag-post ng You're My Home co-stars ng mga larawan at video nilang dalawa sa kani-kanilang Instagram account.

Kaya naman may ilang followers nila ang nag-iisip na baka may namumuo nang relasyon sa pagitan nila.

Sa press conference para sa finale ng kanilang teleserye, sabi ni Jessy, “Hindi po, hindi kami.”

Sabi naman ni JC, “We're both comfortable with each other.”

Pagsang-ayon pa ni Jessy, “Parang nakakatuwa. Honestly, never akong nagkaroon ng partner na sobrang kumportable ako.

I'm really happy and thankful na si JC ganun din siya sa akin.

“I think that's what makes it better, yung kumportable kayo sa isa't isa, trabaho lang, friends, kalma lang.”

NEW LOVE TEAM. Bagamat walang nabuong romantic relationship sa kanilang dalawa, natutuwa sina JC at Jessy sa nabuong fan base ng kanilang tambalan, na ngayon ay tinatawag na "GraceTian."

Grace ang pangalan ng role na ginagampanan ni Jessy, at Christian naman ang karakter ni JC.

Ayon sa aktres, “Who would have thought na kapag pinag-pair kaming dalawa, magugustuhan ng mga tao at magkakaroon ng GraceTian at saka Team Turtles?

“Nakakatuwa lang kasi parang bigla na lang silang sumulpot.

“Tapos pina-follow na nila yung buong kuwento.

“Suprised kami kasi sobrang unexpected niya dahil nga sa kalagitnaan ng soap pumasok.

Sana after this, we'd get to work again together.”

Sinang-ayunan naman ni JC ang huling sinabi ni Jessy.

Ayon sa aktor, “Bitin kami actually sa You’re My Home, kasi half nung story, hindi naman talaga magkalapit sila Grace and Christian.

Towards the end, doon lang talaga kami naging close, nagligawan, naging kumportable.

“Tapos ngayon, patapos na yung You’re My Home. Ngayon lang talaga kami naging comfortable sa isa't isa.”

Mabuti na lamang daw at magkakasama pa rin sila sa weekly gag show ng ABS-CBN na Banana Sundae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagtatapos ng kanilang teleserye, sabi ni JC, “Mahihirapan kaming mag-move on.”

Halos ganito rin daw ang nararamdaman ni Jessy.

“Totoo nagkaka-sepanx [separation anxiety] kami kasi parang habit na siya.

“Para siyang vice na biglang tinanggal, parang ganoon yung feeling na hinahanap-hanap ko pa din yung taping, yung eksena ni Grace and Christian.”

Sa press conference, sinabi ng You're My Home director na si Jerry Sineneng na may planong bagong proyekto ang Star Cinema para sa tambalang JC at Jessy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN