Alden Richards on being tagged as 'endorsement king': "I am just Alden Richards."

"Yun nga po, kasi even before talaga, hindi po ako fan ng titles. Like primetime prince, endorsement [king] ganyan… Kung meron man tumawag sa akin ng ganun, salamat po, but I'm really not entertaining the thought of having titles in this industry," said Alden Richards, who stays humble in spite of his current fame in showbiz.


Ayaw magpadala ni Alden Richards sa pagbansag sa kanya ng ilang press bilang bagong ‘Endorsement King.’

Ito ay sa kabila ng patuloy na pagdagsa ng commercials na kinabibilangan ng Kapuso actor -- mula sa pag-endorso ng mga produkto tulad ng softdrinks at value meal ng isang fastfood giant hanggang sa shampoo at gamot.

Pahayag ni Alden, “Naku naman po! Yun nga po, kasi even before talaga, hindi po ako fan ng titles. Like primetime prince, endorsement [king], ganyan…

“Kung meron man tumawag sa akin ng ganun, salamat po.

“But I’m really not entertaining the thought of having titles in this industry.

“I am just Alden Richards.”

WORK, WORK, WORK! Ayon pa kay Alden, hindi niya binibilang kung ilan na ang ineendorso niyang produkto sa ngayon.

Aniya, “I enjoy the blessings that are coming in.

“Then, kapag natatanggap ko yung blessings na ‘to, I am thinking of ways how to use it para makatulong sa iba.

“But siyempre, my priority is family first.

"Work lang nang work. Blessings pa more!

“Thankful po ako sa lahat.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Alden sa presscon ng Neozep, isa sa mga ini-endorse niya, ngayong araw, March 16.

Pasado alas-diyes ng umaga dumating si Alden sa Mario’s restaurant sa Quezon City.

Guwapong-guwapo ang Pambansang Bae sa suot nitong moss green button-down shirt at pants, matamis ang pagkakangiti, at magiliw na nakipagtsikahan sa press.

Pagkatapos ng presscon proper ay pinaunlakan pa ni Alden ang photo-ops at autograph signing na hiniling ng ilang entertainment reporters.

Tila walang bakas ng kapaguran si Alden kahit pa madaling-araw natapos kanina ang out-of-town taping nila ni Maine Mendoza para sa Lenten TV special ng Eat Bulaga.

Nang banggitin ng isang entertainment reporter na halos wala na siyang tulog, iginiit ni Alden na “okey lang” sa kanya kahit madalas siyang puyat dahil sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito, aminado si Alden na kapalit ng pagpasok niya sa showbiz ang kakulangan niya ng oras para sa pamilya at pati na rin pansamantalang pagtigil niya ng pag-aaral sa kolehiyo.

HUMBLED BY ABUNDANT BLESSINGS. Ngunit maliit na bagay umano ang mga sakripisyong ito kumpara sa blessings na natatanggap niya ngayon.

Paliwanag ni Alden, “Kasi po ako, I need to grab the opportunity, kasi how many lifetimes would I have to have this offer?

“To be in an industry where I can showcase my talent, and I can inspire people, and I can earn a living out of it.

“Yun po yung mga sacrifices, pero nakita ko naman yung good side.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN