Mike Tan admits to taking a nude selfie: "Normal lang yun..."

Mike Tan has nothing to say about the spreading video scandals of showbiz personalities, but if were him, not that it will ever happen, "Siguro ide-deny ko kapag kaya kong i-deny… Kapag mukha talagang ako, baka hindi ko na i-deny. Ginawa ko, e, kailangan kong tanggapin yung consequences nung mangyayaring yun... harapin yung pagkakamali mo."

 


Umamin si Mike Tan na siya man ay kinukunan niya nang hubad ang sarili niya.

“Sa gym lang, yung hanggang tiyan lang yung tinitingnan ko,” sabi ng Kapuso actor.

Minsan na rin daw siyang nag-nude selfie.

“Para sa sarili ko, oo, pero wala pang iCloud nun, so hindi siya makukuha.”

Bakit siya nag-nude slefie?

“Hindi ko na maalala yung dahilan pero baka…”

Dahil sa kabataan?

“Yun naman lagi ang dahilan, e, kabataan.

“Tingin ko, normal lang yun na gusto mong piktyuran yung sarili mo nang nakahubad.”

Nasaan na ang nude selfie niya?

“Deleted na, e!” tawa niya.

May masasabi ba siya sa mga kapwa-artista na may kumakalat na nude photo o video scandal?

Tugon ni Mike, “Ano pa bang masasabi ko sa kanila?

“Lumabas na, kapag nagkita kami, anong sasabihin ko sa kanila?

“Sasabihin ko ba sa kanila, ‘Uy, nice video, bro, ha!’

“So, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.”

Ano ang maipapayo niya sa mga sangkot sa ganitong eskandalo?

“Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila, kung ano advise ko

“‘Huwag nyo nang uulitin,’… iyon yung sasabihin ng karamihan.

“Ang masasabi ko lang, mas maging maingat na lang sila sa susunod, mas maging responsable dun sa kalalabasan nung ginagawa nila.”

Paano kung biglang may maglabas ng sex video niya?

“Wow! What?! Meron pala!” ganito raw ang magiging reaksiyon niya.

Aaminin ba siya o itatanggi niya?

“Siguro ide-deny ko kapag kaya kong i-deny.

“Pero kapag mukha talagang ako, baka hindi ko na i-deny!” at tumawa si Mike.

“Kasi ginawa ko, e, kailangan kong tanggapin yung consequences nung mangyayaring yun.

“Kailangan mo lang harapin yung pagkakamali mo, tingin ko yun lang yun.”

LOVING A COUGAR. Naniniwala naman daw si Mike na posibleng magmahal ang isang lalaki sa babaeng mas matanda rito.

Sabi ng aktor, “Oo, tingin ko, nangyayari siya… may pinortray ako sa Magpakailanman, talagang binata tsaka matanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang gumanap nun ako tsaka si Miss Jaclyn Jose.”

Sa naturang episode ay nagkagustuhan daw talaga ang mga karakter na ginampanan nila ni Jaclyn at hindi dahil sa pera.

“Oo, yeah!” pagsang-ayon ni Mike sa posibilidad na magkagusto siya sa isang babae kahit na malayo ang agwat ng edad sa kanya.

Incidentally, parehong nasa The Millionaire’s Wife ng GMA-7 sina Mike at Jaclyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN