Maxene Magalona resolves to moderate PDA postings on Instagram

Maxene Magalona makes it clear that whatever move she makes, it is her decision and not because she is swayed by pubic opinion. She says, "If I let that dictate kung paano ako gumalaw, e, di hindi na ako naging totoo sa sarili ko at I'm doing things na lang to please others."


Marami ang nagtataka kung bakit tila binuksan na ni Maxene Magalona sa publiko ang kanyang personal na buhay, samantalang hindi naman siya ganun ka-open o ka-expressive sa past relationships niya.

Ang boyfriend ngayon ni Maxene ay ang modelong si Robby Mananquil.

Paliwanag ng Kapamilya actress, “Kasi it’s a good thing for me. 

“It’s more of, kasi sobrang at peace na ako sa sarili ko and I’m so… I’m just grateful. 

“That’s the word to describe it, for everything that’s happening in my life.

“Not just with my love life, parang everything. 

“Parang feeling ko, I’m right here where I’m supposed to be.

“I pray to God, I talk to my dad [the late rapper Francis Magalona], I seek advice from my family, my friends. 

“I wouldn’t be where I am right now if not for all them, if not for all of that.

“I guess, if you look at my Instagram, that’s the best word that describes how I feel right now. 

“I’m very grateful.”

Magpapakasal na ba sila ni Robby at ganito ka-intense ang feelings nila para sa isa’t isa?

Natatawang sagot ni Maxene, “Ay, I don’t wanna think about that, I don’t wanna touch that!

“He’s really my best friend, we really talk about everything.

“Wala kaming hindi pinag-uusapan, wala kaming hindi napag-uusapan. 

“I’m just so happy to be with someone I can be so open with, I can be so comfortable with.

“I don’t wanna really talk about that, I don’t wanna jinx anything, and I don’t wanna get ahead of myself. 

“I just wanna enjoy the moment, live each day, day by day, live in the moment.”

Masuwerte na nga raw si Maxene dahil tanggap ng pamilya niya si Robby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang pinaka-important to me, without me having to force them to like him.

“Gusto ko natural na nangyayari and that’s what has been happening.

“I can see that they’re happy with how I am right now as a person now that I am with him.

“That’s what makes me really happy.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene sa launch ng Flamingo Park ng MAC, sa Bonifacio Global City, last week.

SPREADING THE LOVE. Sa tuwing kasama ni Maxene ang boyfriend ay palaging punung-puno ng love ang comments at messages ang social media account ng aktres.

Hindi na nga raw ito ikinatutuwa ng iba niyang followers at sinasabing sobra-sobra naman ang pagpapakita nito ng pag-ibig at atensiyon kay Robby.

Pahayag dito ni Maxene, “Ako kasi, I really believe in being true to yourself.

“Whatever you want to say, whatever you want to express, I think you have the right to do that.

“As long as nagpapakatotoo ka sa sarili at hindi yung sinasabi mo nga yun, pero pakitang-tao ka lang.

“Not that I’m saying na ganon ang iba, ha, this is my own personal take on it. 

“That’s why on my Instagram, siyempre social media is a big thing right now.

“And Instagram is one of the things na... sinumang celebrity or kahit sino, makikita mo yung personality nila doon sa page nila.

“So, parang that’s my take on it on my Instagram, dapat nagpapakatotoo tayong lahat.

“So, yun lang ang personal opinion ko about that.”

Patuloy niya, “With regards doon sa mga nagsasabing it’s too much, I really don’t want others’ opinion to affect my actions. 

“If I let that dictate kung paano ako gumalaw, e, di hindi na ako naging totoo sa sarili ko.

“I’m doing things na lang to please others, and that’s not what I want how to live my life. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, aaminin ko, nong nakita ko nga yung Instagram ko, hindi ko na siya napansin na parang marami na akong na-post.

“At the same time, nung nakita ko, ayoko kasing… naniniwala rin ako na dapat everything is in moderation.

“So, nung nakita ko na parang naparami, lalo na when we were travelling together, parang isi-save ko na lang yung iba for next time.

“I’ll admit na napansin ko na… hindi naman yung OA, pero parang naparami nga.

“But I don’t think there’s anything wrong with it, yun na nga… dapat ikaw pa rin ang mag-control nun.

“Take step back and see the picture.”

Giit ni Maxene, “I don’t want others’ opinion to dictate my actions.

“Ayokong because sinasabi ng iba kaya ko babawasan, gusto ko sarili kong desisyon.

“One more thing that’s why vocal ako, expressive ako when it comes to things sa buhay ko.

“Not just with my love life, sa lahat ng bagay sa buhay ko.

“I wish to spread happiness and good vibes… parang yung ibang tao, maging happy din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN