Marian Rivera lone Filipino in Facebook's Top 30 Public Figure

Marian Rivera on possible project with her husband Dingdong Dantes and AlDub: "Oo naman… hindi naman siguro magiging mahirap bilang same management kami at pareho kaming nasa GMA."


Nagpasalamat ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, sa pamamagitan ng Instagram, sa pagkakasali niya sa Top Public Figure Facebook Pages Worldwide

Si Marian lang ang bukod-tanging Filipino na nakapasok sa Top 30.
 
Nasa No. 19 ang Kapuso actress..

Naungusan niya ang Hollywood celebrities tulad nina Arnold Schwarzenegger, Kourtney Kardashian, Oprah Winfrey, at Tom Cruise.
 
Ang Top 5 naman ay sina Rowan Atkinson (Mr. Bean), Nicki Minaj, Kim Kardashian-West, Ellen DeGeneres, at Hugh Jackman.
 
Sabi ni Marian sa kanyang Instagram post: “Wow! Maraming salamat…” 

APAT NA SIKAT. Samantala, sa pambihirang pagkakataon ay nagkasama at nakuhanan ng litrato sa isang event ang apat sa itinuturing na pinakamalaking Kapuso stars ngayon -- si Marian at ang mister nitong si Dingdong Dantes, at ang magka-love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Marami nga natuwa sa larawan pa lamang na lumabas sa social media na magkakasama ang apat. 

The awardees of #2015MakabataAwards #anaktvawards ?????

A photo posted by Paolo Luciano (@thepaololuciano) on

Dahil dito, marami ang nagsa-suggest sa management ng GMA Network na pagsamahin ang apat sa isang proyekto.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso Primetime Queen, sa launching niya bilang Biofitea celebrity endorser sa ikalawang pagkakataon, itinanong namin ito sa kanya.
 
Sagot ni Marian, “Why not, di ba, bakit hindi naman?
 
“Oo naman, siyempre depende pa rin sa management.
 
“Pero hindi naman siguro magiging mahirap bilang same management kami [ni Marian] at pareho kaming nasa GMA.”
 
Nagkasama na sina Marian at Alden sa primetime series na Carmela (2014).
 
Si Maine naman ay kailan lang nakilala at nakausap ni Marian.
 
Kumusta naman ito?
 
Aniya, “Okey siya, parang ano siya, e, jolly. Alam mo yun, na hindi mahirap pakisamahan din siguro.
 
“Although, hindi ko pa rin alam kung paano siya, kasi hindi ko pa naman siya nakakatrabaho. 

“Siguro masasabi ko at madi-describe ko siya kapag nagkatrabaho na kami.
 
“Bilang ‘Hi, Hello, goodbye’ pa lang naman kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN