Valeen Montenegro evades questions about Ciara Sotto-Joe Oconer separation

Hindi pa rin tumitigil ang mga haka-haka tungkol sa kaugnayan ni Valeen Montenegro sa asawa ni Ciara Sotto na si Joe Oconer, kahit itinanggi na niyang siya ang dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa.


Iwas na iwas si Valeen Montenegro na matanong tungkol sa isyung hindi pa rin natutuldukan hanggang ngayon — ang pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa hiwalayang Ciara Sotto at Joe Oconer.

Kahit itinanggi na ni Valeen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na siya ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa, hindi pa rin tumigil ang mga haka-haka na may kaugnayan ang aktres sa mister ni Ciara.

Read: PEP EXCLUSIVE. Valeen Montenegro denies causing the separation of Joe Oconer and Ciara Sotto

Paglabas kasi ng eksklusibong panayam niya sa PEP, nag-status naman bigla si Ciara sa kanyang Facebook account ng ganito: “Wow kapal!!!! Deny pa more!!!!!”

Read: Ciara Sotto: 'Wow kapal! Deny pa more!'

RESPECT. Sa grand presscon ng kinabibilangan niyang teleserye na Poor Señorita kaninang hapon, March 16, umiwas si Valeen na makapanayam ng media pagkatapos ng question-and-answer portion sa presscon proper.

Wala ring nanghas na magtanong dito sa presscon proper dahil humingi ng abiso ang namamahala sa Corporate Communications ng Kapuso network na hangga't maaari ay tungkol na lang muna sa upcoming primetime show ang pag-usapan.

Pagtayo ni Valeen sa presidential table, tumalilis agad ito ng pasok sa kitchen ng 17th floor cafeteria ng GMA Network Center lusot sa pinto na papuntang elevator.

Pilit na hinabol ng PEP at GMA News si Valeen, at naabutan naman namin siya sa elevator.

Noong una, nagpasintabi siyang ‘no personal questions’ lamang ang kanyang sasagutin.

Sa huli, tinanong namin kung ayaw ba niyang tuldukan na ang isyu sa pagiging third party diumano niya sa hiwalayan nina Ciara at Joe.

Ang tanging sagot lamang niya, “Sorry, in respect lang to all the people that are involved, I would rather not comment.

“Please respect that also.”

Nitong nakaraang Enero, lumutang ang balitang si Valeen ang dahilan ng hiwalayan nina Ciara at Joe dahil may espesyal daw na namagitan sa Sunday Pinasaya mainstay at sa APT Entertainment executive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hanggang ngayon, hindi pa rin tuwirang pinangalanan ni Ciara ang babaeng may kaugnayan sa kanyang asawa at tahimik pa rin ang kampo ni Joe tungkol dito.

Read: Ciara Sotto admits separation from husband Joe Oconer


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN