Pia Wurtzbach 'in a relationship' with Doc Mike?

Many are intrigued if Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach is indeed in a relationship now with New York-based physician Varshavski after photos of them together spread on social media hinting that they are now a couple.


'In a relationship' na nga ba si Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach sa New-York based physician at tinaguriang “sexiest doctor alive” na si Dr. Mikhail Varshavski or Doc Mike?

Ito ang maingay na usap-usapan ngayon matapos lumabas sa social media ang screen grab ng Facebook account ni Pia na nagsasabing “In a Relationship” na ang kanyang status.

Naka-private naman ang Facebook account nina Pia at Dr. Mike kaya mga Facebook friends lang nila ang makaka-view ng nasabing status.

Kung pagbabasehan ang photo, March 11, Friday, nang gawin ni Pia ang status sa kanyang Facebook account.

May ilang netizens namang nagsasabi na posibleng edited daw ang nasabing photo, habang may mga nagsasabi ring may namamagitan na nga sa dalawa.

Sa Facebook account ng pageant community na Powerhouseph, naka-post din ang photo ni Pia at ng isang lalaking hawig ni Doc Mike na nakahiga.

Tila mula sa mobile app na Snapchat ang nasabing photo:

Kung totoo mang may karelasyon na si Pia, taliwas ito sa naging pahayag niya noong March 12, nang magkaroon siya ng live Facebook chat.

Pahayag ni Pia sa isang punto ng chat: “No, there’s no specific someone in my life.

“This is the specific someone. This is the priority,” pagtukoy niya sa kanyang Miss Universe sash.

Samantala, sa Facebook Q&A with Miss Universe Pia Alonzo-Wurtzbach and Miss USA Olivia Jordan, nitong Martes, March 15, sinagot din ni Pia (gamit ang Facebook account ng Miss Universe) ang ilang katanungan na may kinalaman sa kanyang love life.

Tinanong ng isang netizen ang “real score” sa pagitan niya at ni Doc Mike.

Tugon ni Pia, “Sa tamang panahon. Hahaha.”

Nitong February, lumabas ang balitang nakipag-date si Pia kay Doc Mike.

Read: Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach goes out on a gym date with the 'sexiest doctor alive'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN