Karla Estrada denies taking over Kris Aquino's morning timeslot

Karla Estrada dismisses rumor that she will have her own morning talkshow as a replacement to Kris Aquino's Kris TV. She says, "Hindi ako narito para palitan ang isang show, wala akong ganun. Tapusin na natin yung kay Mareng Kris kasi talagang nakakatawa, nakakahiya sa kanya. Ang layu-layo [ko], napakatalino ng babaeng 'yon."


“Hindi ko kayang palitan, nag-iisa lang si Kris Aquino.”

Ito ang maiksi at paiwas na sagot ni Karla Estrada nang tanungin tungkol sa usap-usapang siya raw ang papalit sa morning slot na maiiwanan ni Kris Aquino.

Kamakailan ay inanunsiyo ni Kris na pansamantala muna niyang lilisanin ang showbiz para pagtuunan ng pansin ang kanyang kalusugan at ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

Hindi naman maiwasang mag-isip ng ilan na posibleng maging morning talk show host si Karla dahil sa madalas na pagge-guest nito sa programa ni Kris na Kris TV.

Pero sa press conference ng kanyang upcoming concert, ang The Queen Mother in Concert, kagabi, March 16, nakiusap si Karla na huwag nang pag-usapan ang tungkol sa mga nababalitang paghu-host niya ng talk show.

“Hindi ko alam, wala pang nakakarating sa akin.

“Huwag nating pangunahan, baka makarating tayo sa 12 midnight show!” pabirong sabi ng ina ni Daniel Padilla.

NOT DREAMING TO BECOME A TALK SHOW HOST. Samantala, sa hiwalay na panayam sa aktres, sinabi nitong hindi niya pinangarap maging talk show host.

“It's not my dream at all kasi nga sobrang mahiyain ako.

“Ganito lang naman ako, maingay ako, pero wala ako nung ganyan.

“Siguro dahil din sa baka nagre-require yun ng malalim na pinag-aralan, di ba?

“Siguro ang kaya ko lang gawin ay yung kaya ko lang.

“Ang alam ko lang kayang gawin ay patawanin [ang mga tao] at magpasaya talaga.

“Marami naman akong alam na puwedeng hindi alam ng iba.”

Paglilinaw pa niya, “Pero definitely, hindi ako narito para palitan ang isang show, wala akong ganun.

“Tapusin na natin yung kay Mareng Kris kasi talagang nakakatawa, nakakahiya sa kanya.

“Ang layu-layo [ko], napakatalino ng babaeng 'yon.”

Sa kabila nito, kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto sana ni Karla na mag-host ng isang travel show.

“I'd like to have a travel show. Gusto kong puntahan lahat ng sulok ng Pilipinas kasi ang dami pa nating hindi nalilibot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko yung super-masa, yung affordable.

“Yung makaka-discover ako [ng place] para puwede kang mag-overnight ng dalawang piso lang, puro ahas ang katabi mo, tapos ang kakainin mo kwek-kwek.

“Mas gusto ko ganun kasi I think mas masaya ako.”

Sa ngayon, hindi pa raw niya ito nababanggit sa ABS-CBN management.

Pero kung anuman daw ang ibigay sa kanya ay buong-puso niya itong gagawin.

Sabi ni Karla, “Di ba, minsan sila ang mas nakakakita ng mas malaking view?

“Ako naman, kung ano lang ang gusto ko.

“Pero kung ano ang ibigay nila sa akin, definitely para 'yon sa ikabubuti ko.”

Kamakailan lang ay pumirma ng exclusive contract si Karla sa ABS-CBN. Pero wala pa umanong tiyak na proyektong nabanggit ang management sa kanya.

“Very soon may mga ilalatag sa akin... sana mayroong spaghetti, barbecue, pansit!” pagpapatawa ni Karla sa huli.

Goodnight to all happy people out there!!! Stay positive!!

A photo posted by carla ford (@carlaford1121) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN