Kean Cipriano's father dies of cardiac arrest

Kean Cipriano writes about the "saddest day" of his life on Instagram after his father, Edgie Cipriano, passed away this Thursday morning, March 17, due to cardiac arrest.


Pumanaw ang ama ni Kean Cipriano na si Edgie Cipriano ngayong Huwebes ng umaga, March 17. Siya ay 52 years old.

Cardiac arrest ang dahilan ng pagkamatay ng ama ng singer-actor.

Kaninang umaga ay may naka-schedule dapat na presscon si Kean kaugnay ng pelikula niyang Echorsis, ngunit kinansela ito dahil nga sa biglaang pagpanaw ng kanyang ama.

Hindi na muna nagbigay ng iba pang detalye ang kampo ni Kean, pero nag-post sa Instagram ng madamdaming mensahe ang vocalist ng Callalily ngayong hapon.

Makikita sa Instagram photo ang larawan ng singer-actor at ng kanyang ama habang magkayakap.

“This is the saddest day of my life. Dumating ang araw na pinakakinakatakutan ko.

“Ang bilis, nakakagulat, pero alam kong everything is written in heaven and everything is in God's will.

“I will miss you, Dad!

“I'm sure the angels will take good care of you. I'm sure you're in a peaceful place now!

“At alam kong magkikita din tayo d’yan one day!”

Pagpapatuloy pa ni Kean sa kanyang post: “Thanks for devoting your life to our family. For living an awesome life with us and for us.

“Dadalhin ko lahat ng natutunan ko sa ‘yo habangbuhay! Kasama ka sa lahat ng pangarap ko!

“Mami-miss kita kakwentuhan, kaasaran at kainuman! Mami-miss ko na yakapin at halikan ka!

“Yung tawa mo, yung boses mo... Lahat!! Lagi kang nasa puso ko!!

“You will always be my idol and my inspiration!

“I love you so much, Dad!

“I promise to take good care of mommy and my brothers! Please always watch over us!

“We'll be strong for you! Mahal na mahal ka namin, Daddy!!

“Maraming nagmamahal sa 'yo at maraming kami na pinagdadasal ka.

“Alam kong makakarating sa ‘yo ‘tong post na 'to!!

“Cheers Dad!! MAHAL NA MAHAL KITA! Lagi kang nasa dasal ko.

“Rest in peace! Maraming Salamat, Dad!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Your baby boy, Kean

“PS: Life is too short. Kaya habang may oras pa tayo sa mundo, mahalin n’yo ang mga magulang n’yo. Peace!”

This is the saddest day of my life. Dumating ang araw na pinakakinakatakutan ko. Ang bilis, Nakakagulat Pero alam kong everything is written in heaven and Everything is in God's will. I will miss you Dad! I'm sure the angels will take good care of you. I'm sure you're in a peaceful place now! At alam kong magkikita din tayo dyan one day! Thanks for devoting your life to our family. For living an awesome life with us and for us. Dadalhin ko lahat ng natutunan ko sayo habangbuhay! Kasama ka sa lahat ng pangarap ko! Mamimiss kita kakwentuhan, kaasaran at kainuman! Mamimiss ko na yakapin at halikan ka! Yung tawa mo, yung boses mo.. Lahat!! Lagi kang nasa puso ko!! You will always be my idol and my inspiration! I love you so much Dad! I promise to take good care of mommy, and my brothers! Please always watch over us! We'll be strong for you! Mahal na mahal ka namin daddy!! Maraming nagmamahal sayo at maraming kami na pinagdadasal ka. Alam kong makakarating sayo tong post na to!! Cheers Dad!! MAHAL NA MAHAL KITA! Lagi kang nasa dasal ko. Rest in peace! Maraming Salamat Dad! Your baby boy, Kean PS: life is too short. Kaya Habang may oras pa tayo sa mundo, mahalin nyo ang mga magulang nyo. Peace!

A photo posted by Kean Cipriano (@keanedward) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN