Shaira Mae misses working with loveteam partner Mark Neumann

Shaira Mae on her TV career: "Naniniwala na may balak din naman siguro yung TV5 sa akin. So, hintay-hintay lang. "I'm just waiting for the new shows na ibibigay sa akin. Kasi sabi nila, mayroon daw."


Nami-miss na raw ng TV5 artist na si Shaira Mae na makatrabaho ulit ang dati niyang ka-love team na si Mark Neumann.

Clueless nga raw si Shaira Mae kung bakit bigla silang pinaghiwalay ni Mark.

Huli silang nagkasama sa TV5 adaptation ng Korean series na Baker King noong 2015. Pagkatapos nito ay ipinareha na sila sa iba.

Sa kasalukuyan ay si Shy Carlos ang katambal ni Mark sa TV5 fantasy series na Tasya Fantasya, habang wala namang ka-love team si Shaira Mae ngayon.

Sabi ng Kapatid young actress, “Oo, nami-miss kong katrabaho si Mark.

“Honestly, nalungkot ako nung pinaghiwalay kami.

“Kasi akala namin, parang after ng Baker King, masusundan pa ulit.

“Kasi ini-launch na kami as TV5 Kilig Prince and Princess, so akala ko magtutuluy-tuloy na.

“Akala ko desidido talaga sila na i-push yung love team namin. Tapos biglang naging ganun.”

Tila nagbago raw ang ihip ng hangin nang pumasok ang Viva Communications Inc. para hawakan ang entertainment department ng TV5.

Hindi nga raw alam ni Shaira Mae kung ano ang sasabihin niya sa Shark (Shaira-Mark) fans nila na nagtatanong kung kailan ulit sila magtatambal sa isang proyekto.

“Actually, ang dami pa ring fans namin na nagre-request, tina-tag pa nga nila ang TV5 na sana bigyan kami ulit ng project kahit Wattpad Presents.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shaira Mae sa National Breakfast Day na ginanap sa McDonald’s sa Pioneer, Reliance St., Mandaluyong City, noong March 14.

Si Shaira Mae, kasama ang Kapatid stars na sina Vin Abrenica at Alwyn Uytingco, ang naging representative ng TV5 sa naturang event ng fastfood chain, kung saan naranasan nilang maging service crew at mag-assist sa pamimigay ng free McMuffin sa mga customer mula 6 A.M. hanggang 7 A.M. 

HAPPY FOR MARK’S CAREER. Gayunpaman, masaya raw si Shaira Mae sa magandang career ni Mark ngayon na sunud-sunod ang mga proyekto sa telebisyon at pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinanghahawakan na lang daw ng aktres ang pangako ng TV5 na mabibigyan din siya ng mga proyekto.

“Pero happy naman ako para kay Mark.

“Ako din naman, e, naniniwala na may balak din naman siguro yung TV5 sa akin. So, hintay-hintay lang.

“I’m just waiting for the new shows na ibibigay sa akin. Kasi sabi nila, mayroon daw.”

Wish lang ni Shaira Mae na sana raw makatrabaho ulit niya si Mark sa isa sa mga proyektong ibibigay sa kanya ng TV5.

Ang mahalaga raw ngayon ay magkaibigan pa rin sila ni Mark.

“Oo naman, hindi naman nawala yung friendship namin ni Mark.

“Pag nagkikita kami sa events, nagkukuwentuhan pa rin kami… pati kami ng mga dating Artista Academy.”

CHALLENGING ROLE. Bagamat wala pa siyang ginagawang proyekto sa kanyang mother network ngayon, nagpapasalamat si Shaira Mae na kinuha siya ng Sari Sari Channel ng Cignal Cable para maging bida sa isang show.

Excited nga siya sa gagampanan niyang role rito.

“Yung gagawin ko po sa Cignal, sobrang iba siya sa lahat ng roles na ginawa ko.

“Kasi usually puro rom-com [romantic-comedy] yung ginagawa ko, puro pa-sweet, romance ganyan.

“Pero ngayon matsa-challenge ako kasi more on ano siya thriller.

“May rape na mangyayari, bubugbugin ako, papatayin ako, lahat-lahat.

“Hanggang sa maghiganti ako, hindi nila alam na nabuhay pala ako, parang may twist na ganun.

“Ang title niya is The Mysterious Case of Anna Madrigal.

“Sabi ang target airing daw is April 29,” sabi ni Shaira Mae.

MARK MISSES SHAIRA TOO. Samantala, sa naunang interview ng PEP kay Mark ay inamin nitong nami-miss na rin niya si Shaira Mae.

“Well, I do miss Shaira, kasi we spent a lot of times together with all the projects we made.

“Like what I said last time, yung management, they know what to do and what’s best for us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If we go separate paths, that’s for the best of us.

“Pero malay mo, in the future, management might pair us again, di ba?” sabi ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN