Laguna governor faces complaint for unauthorized screening of Heneral Luna and Bonifacio

Mahaharap sa civil at criminal complaints for copyright infringement si Laguna Governor Ramil Hernandez dahil sa ginawa nitong 'unauthorized public screening' ng historical films na Heneral Luna at Bonifacio: Ang Unang Pangilo, noong March 1 and 2, sa Cultural Center of Laguna.


Mahaharap sa civil at criminal complaints for copyright infringement si Laguna Governor Ramil Hernandez dahil sa ginawa nitong ‘unauthorized public screening’ ng historical films na Heneral Luna at Bonifacio: Ang Unang Pangilo, noong March 1 and 2, sa Cultural Center of Laguna.

Si John Arcilla ang bida sa Heneral Luna at si Robin Padilla naman ang bida sa Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Ayon sa statement na ginawa ng Artikulo Uno, producer ng parehong pelikula, walang humingi ng permiso sa kanila para sa ginawang public screening.

“No one from the office of Governor Hernandez ever contacted or approached Artikulo Uno to file or request for a permission to hold the screening.

“The producers even called and warned the office of the Governor and the local tourism office of Laguna prior to the viewing of Heneral Luna.

“Despite these warnings, however, they still proceeded with the screenings.

“While free to the public, these screenings were not authorized.

“And the material they used for Bonifacio is pirated, since there is no official DVD released yet of this film title.”

Ang lahat ng rights ng parehong pelikula ay reserved sa ilalim ng Artikulo Uno, Tuko Films, at Buchi Boy Entertainment; na pagmamay-ari nina Fernando Ortigas at Eduardo A. Rocha.

Sa Instagram account ni Gov. Hernandez ay ipinost pa niya ang image ng isang invitation para sa free screening ng Heneral Luna at Bonifacio bilang parte ng Anilag or Ani ng Laguna Festival.

Inaanyayahan po kayo. May aral ang kasaysayan. #anilag2016 #masayasalaguna

A photo posted by Gov. Ramil L. Hernandez (@govramilhernandez) on

Dagdag pa ng producers, hindi sila connected sa anumang political party ni Hernandez na tumatakbo for re-election ngayong Mayo.

“The film nor members of its cast and production team cannot and will not be associated, connected or affiliated with any political party, event or candidate for any elective position.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN