Snooky Serna admits relationship with former Bulacan vice governor

Snooky Serna on relationship with Ramon Villarama: "Sa totoo lang, para akong teenager kapag kasama ko si Ramon. Kaya hindi na kailangan pang itago kung sino ang nagpapasaya sa akin. I should be proud of it dahil he's such a kind and wonderful person. At napakaguwapo pa."


May rason kung bakit blooming ngayon si Snooky Serna.

Inamin na ng veteran actress ang kanyang relasyon sa former vice governor ng Bulacan na si Ramon Villarama.

Ayon kay Snooky, “We’ve been dating for more than a year na.

“He inspires me a lot. Dahil sa kanya, nagkaroon ulit ako ng pag-asa na umibig ulit.

“Five years din akong malungkot after my last relationship.

“Akala ko hindi na ako makakahanap ng taong magpapakita ng pagmamahal sa akin.

“Then, dumating siya and things just got better.” 

Patuloy niya, “I’ve known Ramon for 25 years na.

“Hindi kami nagkatuluyan noon because of some personal reasons.

“Kaya nakakagulat na bigla siyang dumating ulit sa buhay ko.

“Sa lahat ng kuwentuhan ko about our getting back together after 25 years, sinasabi nila na destiny daw yun.

“Baka kami raw talaga ang dapat na magkatuluyan.

“I’m not expecting a lot sa relationship na ito.

“Ang importante naman ay masaya kaming dalawa kapag magkasama kami.

“He makes me happy. Obvious naman sa nakikita ninyo ang glow sa akin, di ba?” sabay tawa pa niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Snooky sa press conference ng GMA teleserye na Poor Señorita, noong March 16, sa GMA Network Center.

KILIG FACTOR. Tulad ni Snooky, hiwalay na rin sa kanyang asawa si Villarama at may dalawa rin itong anak.

Boto naman daw ang mga anak ni Snooky sa dati niyang asawa na si Ricardo Cepeda, sina Samantha at Sachi, sa karelasyon niya ngayon.

Saad ng aktres, “Masyadong protective sa akin ang mga anak ko.

“Ayaw na nilang nakikita ang mommy nilang malungkot at nasasaktan.

“Noong makilala na nila si Ramon, okey sa kanila, kasi nakikita raw nilang malaki ang naging pagbabago ko.

“Lagi raw nila akong nakikitang naka-smile.”

Saad pa niya, “Totoo naman pala ang ganung feeling. Yung may kilig ka ulit sa katawan mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nakaka-relate ako sa mga bagets ngayon na may mga partners tapos may kilig factor.

“Kasi yun ang nararamdaman ko ngayon.

“Sa totoo lang, para akong teenager kapag kasama ko si Ramon.

“Kaya hindi na kailangan pang itago kung sino ang nagpapasaya sa akin.

“I should be proud of it dahil he’s such a kind and wonderful person. At napakaguwapo pa.”

KONTRABIDA ROLE. Ang bagong inspirasyon niya ring ito ang dahilan kaya masipag magtrabaho ngayon si Snooky.

Kontrabida siya ni Regine Velasquez-Alcasid sa Poor Señorita.

Huling napanood si Snooky sa My Faithful Husband kunsaan kontrabida naman siya ni Jennylyn Mercado.

Pahayag ng dating Regal baby, “I really don’t mind playing these kinds of roles.

“Mas may kagat, e. Tsaka nagre-react ang mga nakakapanood sa akin.

“Like noong gawin ko ang My Faithful Husband, lahat na yata ng mura natanggap ko, Tagalog man o Ingles, sa social media dahil galit na galit ang mga fans ni Jennylyn sa akin.

“Kaya dito sa Poor Señorita, ganun din ang pang-aapi na gagawin ko kay Regine.

“Kung kay Jennylyn ay jologs ako, dito naman ay medyo may class ang pag-api ko sa character ni Regine.

“Parang Joan Collins lang at Cate Blanchett ang peg natin!”      


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN