Jake Cuenca says taking sex videos is not his fetish

Naalarma raw si Jake Cuenca sa paglipana ng video scandals ng mga kapwa niya aktor. Ang iba raw kasi ay kaibigan pa niya at mga katrabaho. Sabi pa ni Jake, "Pero nagdududa ako, paano lumalabas lahat 'to? Kasi napag-uusapan namin, puwera biro, napag-usapan namin sa set [Pasion de Amor] kung paanong lumabas lahat 'to."


Dahil nagpapaseksi rin sa pelikula at telebisyon, hindi maiwasang maitanong kay Jake Cuenca ang tungkol sa sunud-sunod na pagkalat ng video scandals ng ilang mga aktor sa industriya.

Ilan sa mga itinuturong mayroon nito ay sina Joross Gamboa, Mark Neumann, Jeric Gonzales, Kiko Estrada, Jason Abalos, Carlos Morales, Neil Etheridge, Felix Roco, Jordan Herrera, Kenneth Medrano, Michael Pangilinan, at Paolo Contis.

Sa presscon ng kanyang iniendorsong Guitar undergarments kahapon, Huwebes, March 17, inusisa ng press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang Kapamilya actor tungkol sa naglipanang video scandals ng mga artista.

Sabi ni Jake, “Ang dami nga, grabe!

“Mga kaibigan ko pa yung iba dun at mga katrabaho pa...

“Be smart, I guess. Be smart.

“Matagal na ‘yan, e. Matagal na matagal na ‘yan, e. Nauso ulit.”

Hindi ba siya nakiuso dito?

Natatawang sagot ng Kapamilya hunk, “Buti nga, e. Hindi, loko lang, loko lang!

“For me, confident ako na [wala ako]. Kasi nadala na ako nung nakita ko pa lang dun sa States, e.

"Sa i-Cloud, nagkalat yung mga artista yung mga bold na ano…

“So, dun pa lang, parang naano na ako.

"At saka that’s not my thing. Never kong naging fetish yun. Hindi ko naging fetish yun, e.

“Ang hirap, e, kapag artista ka, di ba? Mas nakakatakot.

“Pero nagdududa ako, paano lumalabas lahat ‘to?

“Kasi napag-uusapan namin, puwera biro, napag-usapan namin sa set [Pasion de Amor] kung paanong lumabas lahat ‘to.”

Hindi rin daw siya nakikipag-chat na topless at never daw niyang nagawa ang makipag-cybersex.

So, sa mga susunod na araw, maaasahan bang wala talagang lalabas na video niya?

Tugon ni Jake, “Hindi, wala talaga, e.

“Ako, I’m confident 'coz I’ve never done it. I’ve never tried it.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN