Darren Espanto clarifies Cassy Legaspi is not his crush

Darren Espanto denies he's getting more attention from ABS-CBN than The Voice Kids grand winner Lyca Gairanod. "The management is giving us equal chances," he says.


Nilinaw ng young singer na si Darren Espanto na hindi niya crush ang anak na babae nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na si Cassy Legaspi, taliwas sa mga lumabas na balita noon.

Nagagandahan lang daw siya sa dalagita.

At sa unang pagkakataon ay nagkausap sila nang mag-guest si Cassy sa ASAP noong Linggo, March 13.

Kuwento pa ni Darren, “Kanina sa ASAP, dun kami talaga nagkausap.

“The Legaspi twins are cool people to hang out with, they’re very chill.”

Ibig bang sabihin ay nakalabas na sila ni Cassy?

Paglilinaw ng 14-year-old singer, “Hindi, I met Mavy [Cassy's twin brother] during our dance prod the other Sunday; this Sunday I met Cassy.

“We met at Ariana Grande’s concert last August pero hindi kami nagkausap.”

Sa pag-uusap nilang ito ni Cassy, nahingi ba niya ang numero ng dalagita?

Aniya, “Hindi ko nahingi, but we follow each other sa Instagram.

“Not sure, who knows sa future, but right now mas focused ako sa career ko.”

Sabi pa binatilyong singer, “Ako, I’m happy with what I’m doing right now and I’m focused on my schooling and my career.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Darren sa Sky Alive event ng Sky Cable sa SMX Convention.

SECOND ALBUM. Si Lyca Gairanod ang itinanghal bilang The Voice Kids grand winner, pero marami ang nakakapansing mas visible at mas nabibigyan ng magagandang projects si Darren sa Kapamilya network.

Pero ayon kay Darren, “I think the management is giving us equal chances naman, I wouldn’t say na mas may exposure ako,”

Naging matagumpay ang kanyang concert noong 2015 sa MOA Arena. Hiling ni Darren na magkaroon siya uli ng concert ngayong taon.

“We’re still talking about it,” banggit niya.

Masaya ring ibinalita ni Darren na tinatapos na rin niya ang kanyang second album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas mature itong second album.

“Dalawang songs ang isinulat ko dito. the titles are 'Home' and 'Hanggang Hi, Hello.'

“Noon kasi I wasn’t confident enough to share my compositions, pero ngayon I gave it a try.

“Nagustuhan naman ng management, isinali nila.

“Di pa siya tapos, there are still few things that need to be recorded.

“Pero we’re releasing single by single hanggang buong album na, hopefully by July or June.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN