Shamcey Supsup's 14-year-old niece killed in Davao fire

Shamcey Supsup's niece Mariana Castada got trapped inside a house fire in Davao earlier today, March 18.


Natupok ng apoy ang bahay ng kaanak ni Miss Universe 2013 third runner-up Shamcey Supsup-Lee sa Sitio Co-Og, Barangay Mandug, Davao City, ngayong Biyernes, March 18.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News Online, nasunog sa loob ng two-story house ang pamangkin ni Shamcey na si Mariana Castada, 14.

Ayon sa lola ni Mariana na si Luciana Oliwan, natutulog sila nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng kanilang tirahan.

Ligtas na nakalabas ng bahay ang lahat ng miyembro ng kanilang pamilya maliban sa dalagitang si Mariana na naiwan sa loob ng tinutulugan nitong kuwarto.

Masyado na umanong malaki ang apoy kaya hindi na nagawang isalba pa si Mariana.

Tumagal ng 30 minuto bago tuluyang napatay ang sunog, sanhi dimano ng sirang kawad ng kuryente.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN