Is Maine Mendoza the "mystery girl" who watched Alden Richards's concert?

Hindi pa man kumpirmado kung si Maine Mendoza nga ang "mystery girl" na nanood sa concert ni Alden Richards sa Antipolo City, kagabi, March 18, pero nagbubunyi na ang kanilang fans.


Usap-usapan sa social media ang umano'y pagdalo ni Maine Mendoza sa concert ni Alden Richards sa Ynares Center, Antipolo City, Rizal, kagabi, March 18.

Ang titulo ng concert ng tinaguriang “Pambansang Bae” ay Alden Richards Live: ALDENvasion, kung saan guests niya sina Mike Tan, Andrea Torres, Boobsie Wonderland, Ate Reg, at Kim Idol.

Hindi kasama ang kabiyak ng AlDub loveteam na si Maine sa listahan ng mga guests pero nagpakita raw ng suporta ang tinaguriang “Dubsmash Queen” sa ka-loveteam.

Sa mga posts sa Twitter, may nag-edit ng picture na tila kuha ng CCTV (closed-circuit television).

Simple lang ang kasuotan ng babae sa screen grab: itim na damit, nakasalamin, at nakasumbrero.

Ayon sa fans, si Maine daw ang babaeng ito.

Tuloy, tinawag si Maine na "mystery girl" at "silent supporter."

Walang gaanong nakapansin sa babae during the concert, pero bago ito natapos, napansin ng fans na pasimpleng um-exit ito sa backstage habang nagpapasalamat si Alden sa lahat ng fans.

Narito pa ang ibang posts ng mga tagahanga ng dalawa na nanood ng concert:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN