Marissa Delgado graduates from college at age 65

Isa nang college degree holder si Marissa Delgado. Kahapon, March 18, nagtapos ang beteranang aktres sa University of the Visayas (UV) sa Cebu City.


Better late than never.

Sa edad na 65, naging ganap na college degree holder si Marissa Delgado kahapon, March 18, sa University of the Visayas (UV) sa Cebu.

Ang tinapos niyang kurso ay Business Administration major in Human Resource Management.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News online, naging working student daw noong high school si Marissa, pero hindi siya nakapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kakapusan ng pangtustos.

Minabuti na lang nitong pumasok sa showbiz para na rin makatulong sa kanyang pamilya.

Ayon pa sa veteran star, hindi raw siya makapaniwala sa kanyang panibagong tagumpay.

Masaya rin daw siya sa suportang ipinakita ng kanyang pamilya habang siya ay nag-aaral.

Si Marissa (o Efipania Boyle sa totoong buhay) ay nagsimula sa showbiz industry noong 1963 bilang extra sa television show na Dance-O-Rama, na pinagbidahan nina Susan Roces at Jose Mari Gonzales.

Pagkatapos nito, naging leading lady siya nina Dolphy at Chiquito sa pelikulang Dalawang Kumander sa WAC.

Isa sa pinakatumatak niyang pelikula ay ang Tubog sa Ginto ni Lino Brocka.

Noong 1968, naging kontrobersiyal si Marissa dahil sa pag-pose niya sa Playboy magazine.

Ang recent projects niya sa TV ay ang Forevermore at Be Careful with my Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN