Kakai Bautista sets Instagram account to private; asks bashers, "Are you perfect?"

Naka-private na ang Instagram account ni Kakai Bautista, na kamakailan ay na-friendzone umano ni Ahron Villena.


Private na ang Instagram account ni Kakai Bautista.

Ito ay matapos putaktihin ng ilang social media bashers ang kanyang account kasunod ng balitang na-friendzone lang siya ni Ahron Villena.

Read: Ahron Villena friendzoned comedienne Kakai Bautista

Ang ilan kasi, tinawag siyang "asumera."

May iba namang nagsasabing nagamit lang siya ni Ahron para mapag-usapan.

Ayon naman sa ibang komento, nasaktan daw si Kakai sa pangyayari pero hindi lamang nagpahalata.

Kahapon, March 18, nag-post si Kakai ng larawan sa Instagram na may nakasulat na: “Kapag nakalaan, maluwag ang daan.”

Sabi niya sa caption: “Ayan hiniram ko muna meam @phibulous dahil tawang tawa ako sa quote mo na ito! Ang simple pero malalim. Ang husay eh.

“Hindi lahat ng gusto natin pwede nating makuha sa oras na gusto natin. Pero Lahat ng Nakalaan para satin, kusang darating.

"Ibibigay ng universe at ni God sa tamang panahon. Hindi na mata-traffic, at walang makakapigil. iloveyou meam.”

“ARE YOU PERFECT?” Imbes na maki-simpatiya, may ilang followers na nagawa pang mang-bash.

Tuloy, nag-post si Kakai ng, “Are you perfect?”

Sa caption, sinabi ng komedyana, “After Reading all your unimaginable Rudeness, I am asking You. Are You?

“If You are, Then Hide yourself. No One will come to you because you are meant to be ALONE and MISERABLE.

“When you're already there, PRAY.

“Just Pray that You may all FORGIVE yourselves, Because God Will. And remember that, You are Not God. Goodnight."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN