Alden Richards overwhelmed by success of Aldenvasion solo concert; reveals plans for AlDub movie

Alden Richards can't help but feel overwhelmed by the smashing success of his Aldenvasion solo concert, held last March 18 at Yñares Center, Antipolo, Rizal: "Hindi ko po in-expect na magiging ganito ka-successful. Hindi pa po ako nagkakaroon ng solo show before."


Na-overwhelm at hindi rin napigilang maluha ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa nakitang tagumpay ng solo show niya sa Yñares Center sa Antipolo, Rizal.

Masayang-masaya nga ito sa nakitang suporta sa kanya ng mga fans.

Ayon nga kay Alden nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) backstage pagkatapos ng concert, “Hindi ko po in-expect na magiging ganito ka-successful.

“Hindi pa po ako nagkakaroon ng solo show before.

“Hindi ko po in-expect nang paglabas ko po kanina na nakasabit, doon ko po nakitang lahat.”

Dahil sa inani niyang tagumpay, mas handa na kaya siyang magkaroon ng solo show sa mas malaking venue?

“Siguro po, I just need more time to prepare if ever ganun po.

“Mas more preparation po siya, more time po,” saad niya.

Kinumusta rin namin si Alden kung ano ang mga susunod niyang proyektong aabangan ng mga fans niya.

Matagal na rin siyang hindi nakakagawa ng teleserye kaya nang mag-special guest siya ng isang episode sa primetime series ng That’s My Amboy ay tila marami ang natuwa at nag-abang.

ALDUB MOVIE IN THE WORKS? May balita rin na ang gagawin na raw niya ay ang unang pelikulang pagbibidahan nila ni Maine Mendoza na ayon sa ilang sources ay ipapalabas sa unang taong anibersaryo ng AlDub.

Sabi naman ni Alden, “Nagpaplano pa po.

“Lahat po ng mga nangyayari ngayon ay puro meetings with management.

“Wala pa pong final details kung tuloy po ang movie at kung ano po ang storyline.”

CANADA CONCERT. Ngayong Holy Week, pupunta naman si Alden sa Canada para sa isang concert.

Sabi nga niya, “Nasa Canada po ako, tuloy po yung concert dun, kasama po si Rocco [Nacino] at saka si Kim Idol.

“Second time ko po na gumawa ng isang malaking show sa ibang bansa.”

Sa Easter Sunday naman daw ay nandito na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parang bakasyon na rin niya ang concert niya sa Canada.

Aniya, “Opo, isi-segue ko na rin po kahit na dalawang araw lang na bakasyon.

“Yun lang naman po ang kailangan ko, kahit a few days po, okey na rin po ako to work.”

KEEPING HOLY WEEK TRADITION. Pero dahil may mga tradisyon daw talaga sila sa pamilya nila na sinusunod tuwing Mahal na Araw, hindi pa rin daw niya yun kakalimutan kahit na malayo siya.

Sabi nga ni Alden, “Ang Holy Week po kasi sa akin, since lumaki po ako, hindi po kami namulat sa pagbabakasyon.

“Since sabi ng Lola ko, yung Holy Week daw po, Jesus is on his way to Calvary.

“Talagang nasanay po ako, strict po ang compliance ko na for twenty-four years na ganoon po.

“Seven last words, salubong... Pero kahit nasa Canada naman po ako, hindi po mawawala yun. Magagalit si Lola,” natawang sabi niya.

Kinausap na lang daw niya ang Lola niya.

“Sinabi ko naman po sa kanya na ngayon lang naman po, kasi ayaw po talaga niya na hindi kami magkakasama ng Holy Week.

“Naintindihan naman po niya at sinabi ko naman po na I’ll be praying naman po,” dagdag pa niya.

EB LENTEN SPECIAL. Kahit naman wala sa bansa, mapapanood pa rin si Alden dahil sa Lenten special ng Eat Bulaga.

Sa Holy Wednesday mapapanood ang episode nila ni Maine kasama si Jake Ejercito.

Na-miss din niya ang umarte talaga?

“Opo,” nakangiting sabi ni Alden.

“Ang dami pong bumalik dahil yun din po ang ginagawa ko talaga.

“Yun po ang isa sa mga passion ko dito sa showbiz, ang umarte po.

“So nakaka-miss po talagang umarte sa harap ng camera.”

Kung dati ay puro pagpapatawa ang ginagawa nila ni Maine, ngayon ay unti-unti naman silang sumasabak sa mga dramatic roles.

“Ay hindi po, kilig na heavy drama, wala pong masyadong comedy,” huling pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN