Jaya admits to still feeling her late mom's presence: "Merong nagsasalita."

Jaya admits that she still feels her late mom Elizabeth Ramsey's presence: "Ang naririnig ko ay yung boses niya na, 'O, 'day, ayan na, diskarte na!' Mga ganyan. Merong nagsasalita. Plus my kids, they remind me of her kasi close talaga sila."


Aminado si Jaya na kasama na raw sa kanyang job description ang tumanggap ng mga acting jobs gaya nga nitong lalabas na bagong serye sa GMA-7, ang romcom na pinagbibidahan ni Regine Velasquez-Alcasid na Poor Señorita.

Nakilala si Jaya bilang isang singer at isa sa pinakamahusay sa genre na ito, pero ngayon ay kina-career na rin niya ang pag-arte.

Paliwanag pa ni Jaya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito, “Kasama na siya [acting] sa aking job description. I really enjoyed it.

“Dati nahihiya ako, kasi baka nga mali ang gagawin ko.

“Pero I figured out na wala namang masama kung i-try.

“Actually, si Regine [ang kasama ko sa] first soap ko, yung “Diva.”

“Pero prior to that may mga raket-raket na akong acting.

“Meron kaming ginawa ni Pops [Fernandez], meron pang dalawang co-actors na babae.

“Hindi ko lang maalala yung title. So, ang dami ko na palang nagawang mini-mini soaps.

“Hindi ako natakot sa Diva kasi nandun siya. Sabi niya, 'Turuan kita. Sige, go!'”

Nakapanayam ng PEP si Jaya sa pinakahuling presscon ng Poor Señorita na ginanap sa 17th floor ng GMA network building nong nakaraang linggo.

Doon din niya sinabing lumabas na rin siya sa mga nagwakas nang seryeng Yagit at Basang Sisiw.

MORE COMFORTABLE WITH DRAMA ROLES. Bagamat pumasok siya sa kalagitnaan ng serye, itinuturing pa rin niya itong malaking challenge sa kanyang acting capability dahil hindi naman siya maituturing na aktres talaga.

Nililinaw ni Jaya na hindi naman sila package deal ng kaibigan niyang si Regine.

Sabi pa niya, “Hindi naman.

“She’s done other soaps na may iba siyang kabanggaan o katunggali.

“So, she's just like working with the people she’s familiar with.

“Alam ko na yung iba niyang naka-trabaho sa ibang soap, nakatrabaho na rin niya dati.

“Feeling niya siguro medyo bagay [sa akin] yung character kasi luka-lukahan lang talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas masaya raw si Jaya sa mga drama roles na pinapagawa sa kanya.

Sabi pa niya, “Medyo may flow ang character, masaya.

“Like nung Basang Sisiw. Hindi ako handa.

“Hindi sinabi sa akin na mabait ka pero luka-luka.

“Ang hirap pala. Kasi si Ricky Davao [the director] yung, 'Hindi, madali lang.'

“Walang nagtuturo. Diyos ko, Lord! Paano na ito? Nung nag-Basang Sisiw walang preparation.

“Pinaka-challenging sa akin yung Basang Sisiw.

“Doon ko nalaman na gusto ko talagang umarte.

“Kasi mahirap na masaya yung nagdu-double character ka na medyo masamang ugali na akala nila mabait.”

Hindi raw masasabing sinusundan niya ang yapak nang yumao niyang inang si Ms. Elizabeth Ramsey na isang komedyana.

Sabi pa ni Jaya, “Alam mo, nahihirapan ako sa comedy. Iba ang timing.

“Ang drama, pag nagalit ka or umiyak ka, alam mo ang pupuntahan mo bago ka tumungo doon.

“Yung comedy ko, timing talaga.”

LIVING HER SECOND LIFE. Hindi tinitignan ni Jaya na ang pagtanggap niya ngayon ng mga acting roles ay bilang pamalit niya sa nawalang project ang Sunday All Stars, isang musical variety program na dating napapanood tuwing linggo.

Anya, “Hindi naman siguro, well, may gano'n din namang factor.

“Pero singing is always my thing. I’m sure it’s the same also with Regine.

“But there are times when you have to do something else.

“But still I have a US tour. Hindi ko alam kung paano ako magti-taping.

“Alam na nila ahead of time, six weeks yun. So, they know what to do naman.

“For me lang, I feel blessed, kasi even without a manager I’m just doing this on my own terms now.

“It’s about time, I’m almost forty-six.

“When my Mom passed away, biglang, 'Ting!’ My lights just turned on and I felt like, 'Better start doing what you want, not what people would like you to do.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I’m living a second life, parang gano'n, and I'm living a life for my Mom, with how she would've wanted me to live.”

RECALLING MOM'S PASSING. Inaasahan na raw ni Jaya ang pagkawala ng ina niya dahil sa loob ng pinakahuling dalawang taon ng buhay nito, naobserhana na raw nito ang ilan sa mga galaw ng nanay niya, tulad ng pagiging malilimutin nito, pagiging makulit, at temperamental.

Patuloy pa ni Jaya, “Ako ready [for her mom's eventual death back then].

“Pero pag nawala sa harap mo na naputulan ng hininga sa harap mo, maloloka ka talaga.

“Kasi the end of it, that’s it, walang balikan.

“But I felt like, God has blessed me with enough years with her out of stage, on stage—lahat ng lessons, style, tricks, time...

“Meron talagang kinumpleto muna ni Lord bago niya hinugot.

“Kasi alam niya kailangang malakas na ako ako bago niya kinuha.”

STILL FEELING HER MOM'S PRESENCE. Kahit naniniwala si Jaya na kapag ang tao ay pumanaw na ay wala na talaga ito sa mundo, may kakaibang nararanasan ang singer na feeling niya ay nasa paligid lang ang kanyang ina.

Kuwento niya, “Ang naririnig ko ay yung boses niya na, 'O, 'day, ayan na, diskarte na!' Mga ganyan. Merong nagsasalita.

“Plus my kids, they remind me of her kasi close talaga sila.

“Sila yung nagri-remind sa akin, e. Nakalimutan ko nga muna, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN