Jake Ejercito on being 'third wheel' in AlDub loveteam: "Generally positive, pero hindi mawawala yung negative."

Jake Ejercito on working with Alden Richards and Maine Mendoza: "Si Maine, very quiet, very humble, actually. Si Alden naman, siya yung mas outgoing, I guess, between the two of them. Pareho nila akong inalalayan sa scenes. Kasi siyempre, sila yung mas marunong."


For the very first time ay tumuntong si Juan Emilio ‘Jake’ Ejercito sa Broadway studio ng Eat Bulaga! noong Sabado, March 19, para i-promote ang guest appearance niya sa Holy Wednesday episode ng EB Lenten Special na God Gave Me You, kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ayon kay Jake, ang feeling niya that day ay kagaya nung pinakauna niyang paglabas sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Noong January 9, 2016 ang first appearance ni Jake sa Kalyeserye sa barangay, kung saan he was introduced as ‘Jake’ na kaklase ni Yaya Dub a.k.a. Divina (Maine) at katulong nito sa paggawa ng kanilang school project. Kaya lang ay pumunta siya ng Singapore para mag-Masteral studies.

Actually, ang ikinakatakot daw ng ina ni Jake na si Laarni Enriquez ay baka may mag-boo sa kanya doon sa studio.

Kuwento ni Jake, “Worried siya, kasi siyempre, hindi naman mawawala ‘yon, di ba?

“Alam naman natin how passionate yung fans ni Maine at saka ni Alden.

“Well, so far, generally positive yung feedback.

“Pero sa social media especially, hindi mawawala yung negative reactions.

“Meron din, but generally positive.”

So, how was his first Broadway studio experience?

Sagot ng 25-year-old son ni former President Joseph Estrada, “Yung feeling ko, the same nung una kong labas sa Kalyeserye.

“Na kahit alam ko na a few seconds lang ako sasayaw, kabadung-kabado pa rin ako.

“Sumayaw kasi kami [nina Alden at Maine], may konting choreography.

“At the same time, overwhelming.

“Kasi, yun nga, warm yung reception, hindi lang ng studio audience, but also yung people behind the show, na talagang eternally grateful ako for that.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake over dinner sa restaurant ng kanyang Mommy Laarni na Maria Maria, na nasa #81 Xavier Residences sa San Juan City, last Saturday night, March 19.

FIRST ACTING EXPERIENCE. Kumusta naman ang first acting experience niya sa God Gave Me You?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang pahayag ni Jake, “Actually, until now, siyempre hindi ko pa kasi napapanood, kinakabahan pa rin ako sa kalalabasan.

“Honestly, hindi ko alam.

“It was very, very challenging for me, kasi last minute, e. The workshop was the day before the taping.”

Nag-last minute acting workshop si Jake kay Direk Gina Alajar bago siya nag-taping.

Sabi pa niya, “Sumakit ulo ko sa workshop!

“And I’m sure siya [Direk Gina] rin, medyo na-frustrate sa akin.

“But she was very patient at mabait naman si Direk Gina.

“Pero alam mo ‘yon? Since first time ko nga ‘yon, parang feeling ko, nothing I do would prepare me enough for it.

“Kahit anong gawin ko, I won’t be ready for it,” pag-amin ni Jake.

On the said Holy Wednesday episode of Eat Bulaga! Lenten Special ay parehong piloto ang role nila ni Alden.

Si Jake ay si Captain Matthew Montecillo at si Alden ay si First Officer James Esteban.

Magkakabata at mag-best friend sila sa istorya.

Si Alden as James yung medyo happy-go-lucky na medyo napapariwara. Si Jake as Matthew yung responsible at goal-oriented.

Bale si James ang nag-impluwensiya kay Matthew na maging piloto. Pareho nilang dream ang maging pilot, pero si Matthew yung may fear of heights.

Maine will play the flight attendant named Daniella ‘Dani’ Tayao, na girlfriend ng karakter ni Jake.

Dahil sa mga trabaho nila ay hindi sila palaging nagkikita. Kaya laging sabik sa isa’t isa sina Matthew at Dani.

Ayaw mag-spoiler ni Jake kaya hanggang doon na lang daw ang puwede niyang ikuwento.

Panoorin na lang daw ito sa Miyerkules Santo sa Eat Bulaga.

WORKING WITH ALDUB. Ayon kay Jake, sa mismong sa set ng God Gave Me You niya na nakilala si Alden.

Bago sila nagkita sa Kalyeserye two Saturdays ago, March 12, ay galing na sila sa taping ng God Gave Me You.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tapos ay itinuloy nila ulit ang taping after ng Kalyeserye, kung saan nagtagpo sila for the first time sa bahay ni Caityln Smash a.k.a. Dudang (Allan K).

How was it working with AlDub?

Sabi ni Jake, “Mabait si Alden, inalalayan niya ako talaga. Comfortable naman to work with him.

“Bilib ako sa sipag niya. Makikita mo na pagod na siya, pero siyempre, work is work.

“Kasi after ng KS, segue siya sa taping ng Lip Sync Battle Philippines. Tapos, bumalik siya sa taping namin.

“Mas nauna pa akong ma-pack up sa kanila ni Maine. Nag-stay pa silang dalawa.”

Patuloy niya, “Si Maine, nakatrabaho ko na siya prior, sa Kalyeserye, di ba?

“Unlike yung kay Alden, first time talaga.

“Pero mas mahirap yung scenes ko with Maine.

“Kasi yung kay Alden, medyo light lang yung scenes namin, e – best friends, inuman, ganyan.

“Kay Maine, medyo may konting drama, since kami nga [ang magkarelasyon] sa story, di ba?

“Si Maine, very quiet, very humble, actually.

“Si Alden naman, siya yung mas outgoing, I guess, between the two of them.

“Pareho nila akong inalalayan sa scenes. Kasi siyempre, sila yung mas marunong.”

IS THERE ‘SOMETHING’? Sa tingin niya ba, may ‘something’ sina Alden at Maine?

“Puwede!” natatawang sagot ni Jake.

Paano kung sa kanya mag-fall si Maine?

“Parang hindi naman siguro.

“Well, to be honest, si Maine, nakasama ko na dalawang beses sa Kalyeserye at sa Lenten Special. Si Alden, twice pa lang.

“Parang I haven’t gotten the chance to really talk to them. Kasi, parang laging ngarag.

“So, hindi ko pa talaga sila nakakausap,” sambit ng bagong Kalyeserye heartthrob.

Limang magkakaibang kuwento ang itatampok sa Eat Bulaga! ngayong Semana Santa.

Bago ang God Gave Me You nina Alden, Maine at Jake sa Holy Wednesday ay mapapanood muna ang dalawang back-to-back episodes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Holy Monday ang Dalangin ng Ama nina Joey de Leon, Ryan Agoncillo, Pia Guanio, Jimmy Santos, Anjo Yllana, at Andrea Torres, sa direksiyon ni Gina Alajar; at ang Kaputol ng Buhay nina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo), Lola Tidora, at Divina (Maine Mendoza), sa direksiyon ni Jose Rowel Icamen.

Sa Holy Tuesday ang Walang Kapalitâ nina Allan K., Ruby Rodriguez, Patricia Tumulak, at Kenneth Medrano, sa direksiyon ni Jun Lana; at ang Panata nina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Baste, Oyo Sotto, Danica Sotto-Pingris, at Pauleen Luna-Sotto, sa direksiyon ni Joey Reyes.

Isang buong episode ang God Gave Me You sa Holy Wednesday kung saan kasama nina Alden, Maine, at Jake sina Jose Manalo, Wally Bayola at Ciara Sotto, sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN