Claudine Barretto explains visit to Rico Yan's grave with son Santino

"Of course my kids know who Rico was. I also mentioned this taping sa manila memorial at pagdalaw namin ni Saint sa kay Raymart. Ok at wala hong problem sa Papa ni Saint," explains Claudine Barretto on why she brought son Santino when she visited Rico Yan's grave recently.


Ipinaliwanag ni Claudine Barretto kung bakit isinama niya ang anak na si Santino nang dumalaw siya sa puntod ng yumao niyang boyfriend na si Rico Yan noong nakaraang linggo.

Matatandaang noong Lunes, March 14, inalala ng aktres ang dapat sana'y ika-41 na kaarawan ng dati niyang kasintahan sa pamamagitan ng pagdadala ng mga bulaklak sa puntod nito.

Nag-post si Claudine sa Instagram noong araw ring iyon ng larawan niya, kasama ang anak na si Santino, sa harap ng puntod ng yumaong aktor.

Bagamat hindi ito ang unang pagkakataong dinalaw ni Claudine ang puntod ni Rico, naging kapansin-pansin ito para sa ilang Instagram followers ng aktres dahil kasama nito ang anak nila ng kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.

Kaya naman sa pamamagitan pa rin ng Instagram, ipinaliwanag ng aktres kung bakit kasama si Santino sa kanyang pagbisita sa puntod ng dati niyang kasintahan.

Nilinaw ni Claudine na kuha ang nasabing larawan noong February 23, ilang linggo bago ang kaarawan ni Rico Yan.

Sabi pa niya sa kanyang Instagram post noong Sabado, March 19: “Sa mga palanggas ko, explain ko lang po. wala pong pasok si Santino nung feb 23 at sumasama lagi si Saint sa tapings ko.

“eto pong pagdalaw ko Rico was the day i was taping for bakit manipis ang ulap at sa manila memorial po taping ko at Saint was with me.”

Ang Bakit Manipis Ang Ulap? ang teleseryeng pinagbibidahan ni Claudine sa TV5.

Ayon pa kay Claudine, hindi isyu ito sa kanyang mga anak o maging kay Raymart.

Aniya, “of course my kids know who Rico was. i also mentioned this taping sa manila memorial at pagdalaw namin ni Saint kay Raymart.

“ok at wala hong problem sa Papa ni Saint. 3 days before Ry's birthday i went to visit RY again. so yun po thanks & god bless.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN