Jake Cuenca on breakup with Sara Grace Kelley: "She has good reasons, I respect her decision."

Jake Cuenca is thankful for multiple projects coming his way as he recovers from the breakup of what he considers a serious relationship. He says, "Sana somewhere, at one point in time, magkita ulit kami, magsama ulit. Pero sa ngayon… I'm really focused on my career."


Nakaalis na si Jake Cuenca noong Sabado para sa pagpapatuloy niya ng acting workshop sa Amerika.  Kulang isang buwan din siyang mawawala.
 
Ibinalita ito ng aktor sa launching niya bilang pinakabagong celebrity endorser ng Guitar shirts and underwear noong March 17, Huwebes, sa Cities Events Place.
 
Lahad ni Jake, “Hindi ako bakasyon na bakasyon, mag-aaral din ako.

“Pinagbigyan ako ng ABS-CBN ng bakasyon ng konti after almost two years of taping. 

“Magnu-New York ako… Nangako ako sa ABS at sa Dreamscape na mag-aaral ako with this new role that they gave me.
 
“Pero hindi ko pa po masabi kung ano kasi hindi pa nakaplantsa.

“Then, may indie [film] ako na, for the first time, I’ll play a transvestite na role.

“Kaya rin hindi ako nagpapagupit, it’s for that.
 
“Then, may movie ako with Pasion de Amor boys, it’s the three of us.

“So, medyo busy pagbalik ko.”

Kasama ni Jake sina Ejay Falcon at Joseph Marco sa Pasion de Amor.

HER DECISION. Nasa Amerika rin ang ex-girlfriend ni Jake na si Sara Grace Kelley.
 
Kasama ba sa itinerary niya ang makipagkita rito?

Sagot ng Kapamilya actor, “Hindi ko alam, honestly, hindi ko alam... sana.

“Like I always say, I’m just hoping for the best. We’re still friends.

“For now, I respect her decision, hindi ko kayang pilitin.

“Hindi ko puwedeng ipilit ang ganitong klase ng buhay sa kanya, maraming responsibilidad, maraming obligasyon. 

“Well, naiintindihan ko naman ang side niya, twenty years old pa lang siya.

“Hindi naman ako mapilit na tao, I have to respect  that.
 
“Sana somewhere, at one point in time, magkita ulit kami, magsama ulit.

“Pero sa ngayon, to be really honest, I’m really focused on my career.”

Hindi itinanggi ni Jake na ang ex-girlfriend ang nag-initiate ng breakup nila sa pamamagitan ng telepono dahil malayo sila sa isa’t isa.
 
“I believe she has good reasons, kasi nga ang hirap, and I have to understand that she’s only twenty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And to force, para ipilit ang mga responsibilidad na yun sa kanya, that wasn’t fair.”

DIFFERENT. Ilan na rin naman ang naging girlfriend ni Jake na masasabing sobrang in-love siya pero hindi rin nagtagal. 

Pero iba raw pagdating kay Sara Grace.
 
“She’s really, really special to me, let’s just put it that way. 

“And like I’ve said, parang with all the relationships that I’ve been, she’s so different.

“Parang sinasabi ko, to me, I’m just really cherishing that relationship and that was really the best that I had.
 
“And like I’ve said, sana one day, we can meet halfway and we can continue with the relationship.

“But so far, right now, we have to do what’s best for each other.”

Naka-move-on na ba siya simula sa breakup nila?
 
Sagot ni Jake, “Well, ganito na lang, ilagay natin na parang natutunan ko in the past few months na you can’t have everything.

“Nagpapasalamat na lang ako sa buong experience na ‘to.

“Kasi, at one point in my life, sa buong one year na yun, I had everything.
 
“For now, pasasalamat na lang sa Diyos, pasasalamat na lang na at a certain point in my life, naramdaman ko yun.

“Na kinaya kong magtrabaho, may girlfriend ako, seryoso.

“I was in a relationship, pabalik-balik ako, nagagawa ko siyang puntahan.
 
“Hindi pa siguro yun ang plano ni Lord, yun na lang din ang sinasabi ko sa sarili ko.

“Ibigay ko na lang sa Diyos kung anuman ang plano niya.”
 
Marami raw natutunan si Jake sa naging relasyon nila ni Sarah Grace.
 
“Kailangan siguro kong may matutunan sa relasyon na ‘to.

“Actually, yun nga ang nakakalungkot or what bothers me.

“Alam mo na ang kailangang ibahin pero hindi mo na maa-aplly yun sa taong gusto mo talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HEART’S REST. May maibibigay pa kaya siya sa susunod niyang maging girlfriend dahil parang naibuhos na niyang lahat kay Sara Grace?
 
Saad ni Jake, “Well, sa ngayon, ano muna ko, trabaho muna.

“Parang hindi ko pa nakikita ang sarili ko sa relationship, not anytime soon.

“Relax muna ako, no pressure.

“Actually, napakasuwerte ko, back-to-back projects.

“So, siguro may nagagawa akong tama dahil dire-diretsong project kaya pahalagahan ko muna yun.”
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN