Regine Velasquez sees herself as jologs forever

For all the trimmings of her success, Regine Velasquez is proud to say she remains true to herself. "Kung jologs ka, jologs ka na talaga forever… Bilang artista, importante din na baguhin mo kahit papaano yung sarili mo. Pero yung puso mo, yung pag-iisip mo, nandun na yun."


Sa Lunes, March 28 ay mag-uumpisa na ang bagong teleserye ni Regine Velasquez sa GMA Network na masasabing kakaiba, ang Poor Señorita, at may gagawin din siyang kakaibang concert sa April.

Naging daan ang panibagong chapter na ito sa buhay ni Regine bilang entertainer para magbalik-tanaw siya noong nag-uumpisa pa lamang siya sa showbiz.

Inspirasyon sa maraming baguhan sa showbiz ang mga hirap na pinagdaanan niya para marating ang estado niya ngayon bilang isa sa pinakasikat na singer-actress sa Pilipinas.

Ngunit sa kabila nito ay nananatiling nakatapak ang mga paa niya sa lupa.

Saad ni Regine, “Pagka may pinagdaanan kang ganun, hindi naman yun mawawala sa system mo, e.

“Kung jologs ka, jologs ka na talaga forever.

“Siyempre you try to improve yourself, kumbaga, ayusin naman yung sarili mo.

“Bilang artista, importante din naman yun na baguhin mo kahit papaano yung sarili mo.

“Pero yung puso mo, yung pag-iisip mo, nandun na yun.

“So, I think nakatulong pa nga yun sa akin dahil I’d like to think na I’m very grounded.”

Dagdag pa niya, “So, kung anuman ang natamasa ko sa pagiging artista, pagiging singer all these years, mas grateful ako.

“Ako yung nabigyan ng talentong ganito, ako yung nabigyan ng pagkakataon na ganito.

“At hindi ko tinitingnan na parang, ‘Accomplishment ko ito! Ako lang ito!’

“It’s not like that. I see it as a blessing.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa presscon ng Poor Señorita last week.

WELL-LOVED. Ang dami nang singers ang sumubok na agawin ang korona niya pero, so far, ay wala pa ring nagtatagumpay.

Si Regine pa rin ang nakaupo sa trono bilang nag-iisang Asia’s Songbird.

“Sabi niyo lang yan kasi mga bakla kayo!” ang tumatawang reaksiyon ni Regine.

Karamihan kasi ng mga baguhang mang-aawit, siya ang idolo at peg bilang singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya tungkol dito, “I’m very happy, I’m very flattered at the same time.

“Na ganun na lang yung pagmamahal na ipinapakita nila sa akin.

“Hindi na nga adulation, e, pagmamahal talaga.

“The way they treat me, the way they talk to me, the way… yung respeto, grabe!

“Nakakatuwa. Parang minsan I think na, ‘Do I really deserve all that?’

“Parang hindi naman masyado, but like I said, I’m very happy.

“I’m very flattered to have been given that kind of attention.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN