Jake Ejercito still reluctant to join showbiz: "As of now, hindi ko pa alam. Let's see!"

Jake Ejercito on possibility of starring in a movie with Alden Richards and Maine Mendoza: "Naku po, hindi ako ready na mag-movie! I mean, with the Lenten Special pa nga lang, kabado na ako with how it will turn out, e! I think, marami pa akong bigas na kakainin for me to be worthy to star in a film, especially with a love team as big as AlDub."


Magmula noong teenager pa lang siya ay marami nang kumukumbinsi kay Jake Ejercito na pumasok sa showbiz dahil sa kanyang moviestar looks.

Ang totoo ay gusto niya sana talaga nung bagets pa siya, pero ayaw pumayag ng kanyang ama na si dating Presidente Joseph ‘Erap’ Estrada.

Growing up ay mayroon ding offers for him to do TV commercials, pero hindi siya pinayagan ng mga magulang niya na tanggapin ang mga ito.

Pinag-aral pa siya ng ama niya ng college sa London para maiwasan niya ang mundo ng showbiz.

Pero ngayon, kahit na kumukuha pa si Jake ng Master’s sa Singapore ay nakumbinsi ang ama niyang si Erap at ina niyang si Laarni Enriquez na maging parte siya ng Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Gumaganap siya bilang classmate ni Divina a.k.a. Yaya Dub (Maine Mendoza).

Paano napapayag ang mga magulang niyang mag-Kalyeserye siya?

Pahayag ni Jake sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, me and my parents, we were all very reluctant at first.

“Kasi nga, we know how passionate fans of Alden [Richards] and Maine are, how much they love their idols.

“So siyempre, nakakatakot na if I enter, maiisip nila na as a third party, baka ma-bash. Siyempre, di ba?

“Kung ganun karami yung tweets a day… every day, record-setter sila [AlDub], di ba? Nakakatakot.

“That’s why I was very reluctant.

“Apart from the fact na hindi naman ako marunong umarte, first time ko.”

Patuloy ng 25-year-old newbie, “And then also, makakasama ko pa yung three lolas—Lola Nidora, Lola Tinidora, and Lola Tidora, played by Wally Bayola, Jose Manalo, and Paolo Ballesteros, respectively—who are very good at what they do.

“Maine is a natural. Si Alden, professional na rin.

“So, talagang kinakabahan. Very hesitant ako to do it.”

SAYING ‘YES.’ What convinced him to say yes?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Jake, “What made me say yes was the assurance from the people behind Eat Bulaga!, especially Mr. T [Tony Tuviera, President & CEO ng TAPE, Inc] and sina Tita Malou [Choa-Fagar, SVP & COO ng TAPE], Ma’am Jenny [Ferre, SVP for Creatives & Operations ng TAPE], na they would take care of me.

“They will make sure na I won’t get bashed.

“So, yun. Siguro, nilakasan ko na lang din yung loob ko.

“Thankfully, generally positive naman yung feedback.

“So, nakaka-encourage naman at saka nakakatuwa, na walang masyadong bashing.

“Kasi, the people behind the show, talagang made sure na walang love angle.

“Classmates lang talaga kami ni Maine.”

Ang nangyari pala ay kinausap nang personal nina Mr. T. at Ms. Jenny sina Mayor Erap at Laarni para pormal na ipagpaalam ang paggi-guest ni Jake sa Kalyeserye.

Tinanong ni Erap si Jake kung gusto ba nitong lumabas sa Kalyeserye at umoo siya agad.

Dahil doon ay pumayag na ito, kasunod ang bilin na tatapusin ng anak ang pag-aaral nito sa Singapore.

Ang nakakatuwa pa, kaya hindi rin naging mahirap kumbinsihin ang mga ito ay dahil parehong fans ng Kalyeserye at ng AlDub ang mga magulang ni Jake.

Natatawang sabi ni Jake o Juan Emilio, “The only advice my dad gave me was just be natural.

“And sabi niya sa akin, ‘Huwag mo akong papahiyain!’”

So, anong reaksiyon ng mga ito nang mapanood na siya sa Kalyeserye?

Natatawang kuwento ni Jake, “Ang daddy ko, ang unang tinanong sa akin, ‘Maganda ba si Yaya Dub?’

“And yun nga yung nakakatawa. Kasi ang mom ko, when I got nga the invitation to guest, ayaw akong payagan.

“Apart from natakot siya sa bashing, ayaw niyang sirain ko yung AlDub.

“Kasi nga, fan siya! Kasi, she’s such a big fan nga of Kalyeserye!

“Ngayon, natutuwa naman sila pag napapanood nila ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DREAM OF BECOMING A CELEBRITY. Looking back, sa mundo ng showbiz na namulat si Jake kaya bata pa lang siya ay sumagi na sa isipan niya na gusto niyang mag-artista balang-araw.

“Kasi, when I was a young kid, isinasama pa ako ng mom ko sa tapings. Na-expose ako early on.

“And then my brother Jinggoy [Estrada] also, nakikita ko [na nasa showbiz].

“So siyempre, for someone who’s not in the industry, iisipin mo, ‘Wow! Ang sarap sigurong maging artista at sumikat!’”

Medyo napapangiti si Jake kapag naaalala niya na nung mag-show ang Eat Bulaga! sa London nung November 2012 ay pumunta pa siya sa ExCel London para manood. At that time ay nag-aaral pa siya sa United Kingdom.

Saad niya, “Kasi, when you’re based in a city that's far away from home, mahu-homesick ka, e.

“And one of the ways na nalalabanan ko yung homesickness was by watching Eat Bulaga! actually.

“Kaya nung pumunta sila doon [sa London], nanood ako nang live.

“And who would have imagined na someday pala, a few years later, I’ll be part of something so big and ano…

“At hindi siya pinlano, biglaan lang.

“Kaya I’m very grateful to have been given the chance to be part of it.

“And what makes it more challenging is being given the opportunity to be a part of a phenomenon such as AlDub.

“Siyempre yung pressure nandun, di ba? Alam mong marami silang supporters, maraming nanonood.

“Parang I don’t think I’m worthy.”  

PUBLIC CLAMOR. Because of the positive feedback sa karakter niyang si ‘Jake’ ay tila may demand from the fans na maging permanent na siya sa Kalyeserye.

In fact, maraming nakakapansing malakas din ang chemistry nila ni Maine.

Mukhang unti-unti na ring nabubuo ang kanilang fans na ang tawag sa tandem nila ay JaMaine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksiyon ni Jake, “Actually, nakakatuwa na somehow, nakakasakay ako sa kanila, especially with the three lolas.

“Kasi, ako naman, even before pa mag-Kalyeserye, talagang nanonood na ako ng Eat Bulaga! because of Juan for All, All For Juan.

“Natutuwa talaga ako dun sa tatlo, sa JoWaPao.

“So, I wouldn’t say na malakas ang chemistry [namin ni Maine], pero as of now, I’m enjoying the experience.

“If they ask me to come back, then kung hindi ako busy with school, why not?

“Ganun lang. Parang I take it as it goes lang.”

May mga nagpu-push ding isali siya sa pelikulang gagawin ng AlDub.

Maraming may gusto na siya ang maging ka-love triangle ng dalawa. JaAlDub ang tawag sa combined names nilang tatlo.

“Naku po, hindi ako ready na mag-movie!” natatawang sambit ng tisoy na binata.

“I mean, with the Lenten Special pa nga lang, kabado na ako with how it will turn out, e!

“I think, marami pa akong bigas na kakainin for me to be worthy to star in a film, especially with a love team as big as AlDub.”

But what if meron ngang offer at siya talaga yung i-demand ng fans na maging ka-trayanggulo ng AlDub sa big screen?

“Given that premise, kung may ganyan talaga, paghihirapan ko.

“Talagang I’ll work for it. I’ll try my best, di ba?

“Kasi, I don’t wanna fail people,” seryosong sagot ni Jake.

OFFICIAL ENTRY. Sa Holy Wednesday ipapalabas ang acting debut ni Jake sa Lenten Special ng Eat Bulaga! na God Gave Me You with Alden and Maine.

Ito na ba ang hudyat ng opisyal na pag-entra niya sa showbiz? Itutuluy-tuloy na ba niya ang kanyang newfound acting career?

Sagot ni Jake, “Well, ako, undeniable naman na yung showbiz, nasa dugo ko since both my parents were in showbiz before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And when I was growing up, siyempre I also had aspirations of following their footsteps.

“Pero somehow, nawala na rin yun through the years, nung mag-aral ako sa London and all.

“And as much as I’ve enjoyed the experience so far, everyone has been so nice to me, yung feedback positive, I still have a year left sa school in Singapore.

“Bakasyon lang ako now for two weeks, tapos babalik din ako sa Singapore. So, I have to finish school first.

“As of now, hindi ko pa alam. Let’s see!”

Sa Northumbria University sa Singapore, na affiliate ng isang kilalang university sa United Kingdom, kumukuha ng kanyang Master’s in Marketing si Jake.

Ang sabi niya sa PEP, he will be done with school by June next year and his graduation is on August 2017.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN