Jake Ejercito says he and ex-GF Andi Eigenmann are just friends: "Without benefits, definitely!"

Jake Ejercito on his current status: "Yes, very much single. It's been a while…"


Dahil sa kanyang exposure sa Kalyeserye ng Eat Bulaga! as ‘Jake’, ang guwapong classmate ni Divina/Yaya Dub a.k.a. Maine Mendoza, ay marami nang nagkakainteres at nagkaka-crush kay Juan Emilio ‘Jake’ Ejercito.

Ang curious na tanong ng sambayanan ay kung single ba si Jake?

“Yes, very much single. It’s been a while…” nakangiting sagot ni Jake.

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Saturday night, March 19, sa resto ng mommy niyang si Laarni Enriquez, ang Maria Maria, located across Xavier School sa San Juan City. 

ANDI EIGENMANN. Admittedly, nagsimulang umingay ang pangalan noon ni Jake nang maging nobya niya si Andi Eigenmann.

Aware naman daw ang binata na napapag-usapan lang siya noon dahil sa pagkaka-link niya sa Kapamilya actress.

Makulay at masalimuot ang naging pag-iibigan nila ng anak ni Jaclyn Jose at ng yumaong si Mark Gil.

Ayon kay Jake, magkaibigan na lang sila ngayon ni Andi.

“Yeah, we’re friends and I wish her all the best.”

Sila ba yung tipo ng friends na she can cry on his shoulder?

“If she wants to, she can cry on my shoulder!” natatawang sagot ni Jake.

Ganung klase ba silang magkaibigan ni Andi?

“Na very close pa rin? Matagal na, since we broke up.”

Friends with benefits ba ito?

“Without benefits, definitely!” tawa na naman ng binata.

Gaano katagal na ba silang hiwalay ni Andi?

“One and a half… two years?”

Yung totoong break, ha?

“Yeah, naging sila pa ni Bret [Jackson], di ba?”

Gaano katagal tumagal ang relationship nila ni Andi?

“Mga four to five [years]?” tugon ni Jake.

But they were spotted recently in Cebu. Anong ginawa nila dun?

“Nag-tour!” tawa na naman niya.

“We went canyoneering sa Kawasan Falls [sa Badian, Cebu]. Parang trekking, ganun.”

Bakit sila magkasama ni Andi?

“No, we have common friends kasi, na barkada na namin even before we got together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, Andi and I, one of our similarities is we both love exploring places and travelling.

“So, yun!”

KC DEL ROSARIO. Napabalita rin noong naging girlfriend niya ang young socialite na si KC del Rosario, na pinagselosan pa nga raw ni Andi. Totoo ba yun?

“Hindi ko naging girlfriend si KC,” paglilinaw ng pangalawang anak ni ex-President Joseph ‘Erap’ Estrada sa dating aktres na si Laarni.

Bakit umugong dati na may relasyon sila ni KC?

“Well, KC and I, we just hung out a lot. But she wasn’t my girlfriend,” sabi ni Jake.

Si Karraminah Clarisse ‘KC’ del Rosario Bolkiah ay anak ng Pinay na si Evangeline del Rosario, second wife ni Prince Jefri Bolkiah ng Brunei.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN