Jake Ejercito speaks up on being the 'father' of Andi Eigenmann's daughter

Jake Ejercito addresses the speculation that he is the real father of Andi Eigenmann's daughter.


Napaka-vocal ng ina ni Andi Eigenmann na si Jaclyn Jose sa pagsasabing gustung-gusto nito si Jake Ejercito para sa kanyang anak.

At dahil very close si Jake sa anak ni Andi na si Ellie, nasabi ng premyadong aktres na para sa kanya ay si Jake ang ama ni Ellie, or something to that effect.

Reaksiyon dito ni Jake, “I guess, she said that because nakita niya rin na even before Andi had given birth, I was there na.

“And when I was still with Andi din, kung gaano ko siya nirespeto, inalagaan.

“So, siguro nakita rin ni Tita Jane [Jane Guck ang tunay na pangalan ni Jaclyn] ‘yon, kaya niya nasabi yun.

“Grateful naman ako for that.”

Super-close sila ng anak ni Andi na si Ellie, di ba?

“Yeah, I still get to hang out with her. Minsan, nalalabas ko siya.”

Actually, ugaling mag-post ni Jake sa Instagram ng photos ni Ellie o kaya ay photos nilang dalawa ni Ellie, na masayang-masaya sila together.

1/366

A photo posted by Jake Ejercito (@unoemilio) on

Ang dating nun sa ibang tao ay siya ang ama ng maputi at magandang anak ni Andi.

Pahayag ni Jake tungkol sa isyung ito, “Well, ever since, I considered Ellie as my daughter na rin.

“Yun nga yung sabi ni Andi in one of her interviews, di ba?

“And kasi si Ellie, very adorable. Mahirap mawala yung bond namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN