Louise delos Reyes tells some AlDub fans to take a reality check

Pinutakti ng sangkatutak na bashers si Louise delos Reyes matapos nitong makipagsagutan sa ilang fans ng AlDub kagabi, March 21. Sabi naman ng Kapuso actress, "Kung tingin niyo pikon ako because of answering stupid questions well, I am just being real."


Unti-unti nang lumalaki ang palitan ng salita sa pagitan ng fans ng AlDub at ng Kapuso actress na si Louise delos Reyes.

Nagsimula ito nang mag-post si Louise kagabi, March 21, sa kanyang Instagram ng isang larawan na kuha sa birthday party ni Tenten Mendoza noong Pebrero.

Si Tenten ay mas kilala sa GMA Network sa tawag na Mama Tenten, ang longtime personal assistant ni Alden Richards.

Ayon sa ibang komento, ang nasabing picture, na burado na ngayon, ay kuha kasama sina Louise at Alden.

Imbitado sa naturang pagtitipon si Alden at iba pang GMA stars, kabilang na ang iba pang cast ng dating youth-oriented show na Tween Hearts.

Sina Louise at Alden ay dating magka-love team sa Kapuso show na Alakdana, My Beloved, One True Love, at Mundo Mo'y Akin.

Tanong ng isang fan kay Louise, ano raw ba ang real score nila ni Alden at isang simpleng ‘Yes or No’ lang daw ay sapat na.

Tila napikon dito ang aktres at sinabihan ang naturang fan ng ganito: "You know I've had enough. Kung tingin pikon ako because of answering stupid questions well, I'm just being real.

"You cannot always put words into my mouth. It is just a plain birthday party.

"Alam niyo kaya kayo ganyan kasi pinapaniwala niyo ang sarili niyo sa fantasies niyong lahat.

"Guys may salitang 'REALIDAD' baka gusto niyong icheck ano ibig sabihin nun."

Narito ang sagutan nilang dalawa sa screenshot mula sa www.aldubofficial.com:

“REALIDAD.” Dahil sa pagbanggit niya ng salitang "REALIDAD" ay kinuyog si Louise ng pinaniniwalang fans ng tambalan nina Alden at Maine Mendoza o ang AlDub.

Narito ang ilan sa kanilang tweets:

Pero mas maraming hate comments kay Louise sa Instagram.

“MOVE ON DIN PAG MAY TIME GUYS.” Sa isa pang komento, sinabi ng 22-year-old Kapuso actress na dapat daw, bilang fans, huwag nilang i-assume na hawak ng mga ito ang buong pagkatao ng kanilang idolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“IT IS OUR PERSONAL LIVES.” May mga nagsabi namang hindi raw imbitado sa naturang party si Louise kundi si Joyce Ching lamang.

#REALIDAD na yung pinipilit mo invited ka pero hindi naman pala? Credits to @chakty_canja_16 #aldenrichards #mainemendoza

A photo posted by To God Be The Glory... (@mungkschowchow23) on

Pero ayon kay Louise, imbitado siya sa pagtitipon at wala siyang kailangang ipaliwanag.

Nag-direct message ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Instagram ni Louise upang kunin ang kanyang panig sa isyu.

Agad naming ilalathala ang kanyang kasagutan kapag natanggap na namin ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN