Pia Wurtzbach's budding romance with Dr. Mike draws mixed reactions

Latest Snapchat photo of Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach with Mikhail Varshavski draws mixed reactions from netizens.


Isa na namang photo ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach at ng New York-based physician na si Mikhail Varshavski o Dr. Mike ang kumakalat ngayon sa social media, kasunod ng pag-amin nila recently na nasa “dating” stage sila.

Galing umano ang nasabing photo sa mobile application na Snapchat ng doktor na tinaguriang "Sexiest Doctor Alive" ng People magazine noong 2015.

Nagsimulang lumabas ang photo kahapon, Martes, March 22.  

Sa nasabing photo, makikita si Pia ang may hawak ng camera, habang nasa background si Dr. Mike na tila walang kamalay-malay at may pinapanood habang nakaupo sa black sofa at nakataas ang paa.

Caption ng nasabing photo: “Who sits like that? I’m definitely cooler.”

Doctor Mike's latest snapchat update, by yours truly, Pia ???

A photo posted by Miss Universe Philippines ??????? (@missuniverse.ph) on

Samantala, magkahalo ang reaksiyon ng netizens sa pagiging “open” ng Filipina beauty queen sa umuusbong na romantic involvement niya sa American doctor.

Kamakailan, may lumabas ding Snapchat photo ang dalawa, kung saan makikita silang nakahiga.

Sa pinakabagong Snapchat photo naman na ibinahagi sa ilang Instagram accounts, umani ng magkahalong reaksiyon ang picture.

May fans na nagpahayag ng pagkadismaya sa pagsasapubliko ni Pia ng kanyang namumuong relasyon kay Dr. Mike.

May mga “concerned” na nagpaalala sa kanyang gawing prayoridad ang responsibilidad niya bilang Miss Universe.

May mga nanghusga sa kanyang immature, kinuwestiyon ang kanyang pagiging seryoso sa korona, na hindi na dapat isinasapubliko ang kanyang relasyon, pagkumpara sa ibang beauty queens, at iba pang masasakit na salita.

Pero sunud-sunod din ang mga tagapagtanggol ni Pia laban sa kanyang mga kritiko.

May supporters si Pia na sinabing daig pa ng mga kritiko ang mga magulang sa pagbibigay ng payo sa beauty queen.

May mga sumuporta rin sa namumuong relasyon nina Pia at Dr. Mike, at may mga nagsabing deserve ni Pia ang sumaya dahil mahusay niyang nagagampanan ang kanyang responsibilidad bilang Miss Universe.

May netizen pa ngang nagmensahe na may beauty queens dati na may karelasyon habang reigning Miss Universe, kagaya nina Miss Universe 2012 Isla Fisher at Miss Universe 2013 Olivia Culpo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi naman ng ilang supporters ni Pia na walang karapatang diktahan ng iba ang mga gusto ni Pia, lalo pa’t hindi nila alam ang ginagawa ng Filipina pride 24/7.

May humikayat din sa ibang kritiko ng mag-research muna upang alamin kung hindi ba talaga nagagawa ni Pia ang kanyang mga responsibilidad bilang Miss Universe bago siya husgahan.

 

 

 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN