John Prats and Isabel Oli are so looking forward to becoming parents to Feather

John Prats and wife Isabel Oli are so looking forward to becoming parents, in the meantime, they're savoring the last few days they spend together as a couple. "Kasi kapag lumabas na 'yan, siyempre forever na kaming tatlo na," he says.


Sa third week of April inaasahang isisilang ang panganay na anak ng mag-asawang John Prats at Isabel Oli. Pero ayon sa doktor ni Isabel, posible rin namang mapaaga ang labas ng bata.

Unique din ang pangalang napili nina John at Isabel para sa kanilang baby girl, Feather.

Ayon kay John, “Desisyon namin to have a unique name, kasi ako, John, siya Maria… common na common.

“At least, kapag nag-aral siya, tumanda siya, kapag tinawag na Feather, siya lang ang lilingon.

“And it’s light, soft. Nasa Bible din kasi.”

Anu-ano na ang mga pinaghahandaan at sa tingin niya ay mababago sa kanya ngayong daddy na siya?

Pahayag ni John, “Ang mababago, well, si wifey ngayon, ang gusto niya date kami nang date, labas kami nang labas.

“We’re trying to enjoy yung moment namin together, kasi kapag lumabas na ‘yan, siyempre forever na kaming tatlo na.

“Pero excited kami sa pagdating ni baby.

“Sa ngayon, ini-enjoy muna namin yung bonding na kami munang dalawa.”

HOLY WEEK. Kapag Holy Week ay sa family resort ng mga Prats na Nayomi Resort sa Batangas usually ang destination nina John at Isabel, pero 'staycation' lang daw sila ngayon.

Sabi ni John, “Sina Mommy, baka sa Batangas.

“Pero kami ni Liv, baka sa bahay lang talaga kami; bonding, movie night.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN