Is Mikael Daez confirming his relationship with Megan Young via his shared photos?

Mikael Daez insists on not labeling his relationship with Megan Young. He says, "Itapon na lang muna natin 'yan. Tingnan niyo ang photos ko, tingnan niyo ang videos ko, tingnan niyo kung ano ang laman." Does Megan know? "Malinaw sa kanya yun."


Limang taon na ring malapit sa isa’t isa sina Mikael Daez at Megan Young.

Nag-Miss World na si Megan at si Mikael naman ay nagkaroon ng ka-love team, pero masasabing matatag pa rin kung anuman ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Walang nabago sa kanilang dalawa kahit na after Miss World?

Saad ni Mikael, “We’re just enjoying the moment… nakikita niyo naman na nag-e-enjoy talaga kaming dalawa.

“Wow, I think, we really just enjoy the moment lang.

“Kasi kung iniisip mo pa kung ano ang puwedeng mangyari, doon mayayanig ang mundo mo.

“‘Ay, baka mangyari ‘to! Ay, baka may ma-meet siyang ganito, baka may ginagawa siyang ganito, wala ako.’

“Kailangan yung moment, trust and loyalty.

“These are things naman na talagang inilagay sa akin ng mga magulang ko.

“Nagpapasalamat ako at yun ay dala ko rin naman as I grew up.”

FIVE YEARS. Paano niya ile-label ang limang taon nilang pagiging malapit sa isa’t isa ni Megan?

Ayon kay Mikael, “Actually, right now, parang dati pa, hindi ako mahilig sa labels.

“Para lang din alam ng mga tao, hindi ako mahilig sa labels.

“And, I think, kasi ano ang label kung wala namang laman… itapon na lang muna natin ‘yan.

“Kung ako ang kinakausap niyo, tingnan natin kung ano ang laman.

“Tingnan niyo ang photos ko, tingnan niyo ang videos ko, tingnan niyo kung ano ang laman.”

Alam ni Megan ‘yan?

“Alam niya yun, malinaw sa kanya yun,” nakangiting sabi ng Kapuso actor.

SAYING IT VIA SHARED PHOTOS. Marami na ring travels sina Mikael at Megan na magkasama.

Ang huli nga ay sa kanilang pagbabakasyon sa Africa kunsaan ibinabahagi na nila ang mga larawan nilang magkasama sa kanilang social media account.

Ang shared photos ba nila, it’s like saying without saying?

“Parang ganun!” natawang sabi ni Mikael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s like saying without saying, kumbaga yung status namin, nagpu-post na kami sa IG.”

Masarap nga raw ang pakiramdam na malaya na silang nakakapag-post ng mga larawan nila sa kani-kanilang social media accounts?

Saad ni Mikael, “Oo, kasi we do have a lot of beautiful photos together.

“I’m into photography at nahawa na rin siya sa akin.

“Very proud ako of our photos, talagang kapag nagbibiyahe kami, it’s something that we really enjoy.

“Pinu-post ko na rin ang video.

“Ang sarap din ng isini-share at nagugustuhan ng mga tao.”

HOLY WEEK. Ngayong Holy Week, sa Japan daw sana nila gustong magbakasyon ni Megan.

Pero ayon sa aktor, “Hindi kami nakapag-book agad, so lahat ng airlines ngayong Holy Week, sobrang mahal na.”

So, saan sila?

“Well, hindi ko pa alam, pero gusto naming sumubok ng free diving sa Cebu.

“Yung sumisisid ka ng ten meters na walang gadgets, goggles lang.

“It’s like training yun the whole day.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN