Rico Blanco rejected by a Laguna band during pre-Rivermaya days

Rico Blanco on being rejected by a band in Laguna: "Matawa-tawa akong sinabihan ng 'Keyboards?? Ayaw namin ng keyboards eh.'"


Hindi lubos akalain ni Rico Blanco na makikilala siya bilang isa sa OPM icon sa bansa.

Lalo pa’t naranasan niyang maliitin ang kanyang talento sa musika at walang gustong kumuha sa kanyang banda.

Sa kanyang Instagram post kahapon, March 23, inalala ni Rico kung paano siya ni-reject ng isang banda sa Laguna noong panahong nagsisimula pa lang siya bilang musikero.

Kuwento ni Rico, “Saw this pic on fb.

“Bigla kong naaalala nung wala pa akong banda at gusto ko maki-jam sa isang banda sa Laguna.

“Matawa-tawa akong sinabihan ng 'Keyboards? Ayaw namin ng keyboards eh.’”

Kasabay nito ay nagbigay-pugay si Rico sa mga dating kabanda sa Rivermaya na nagbigay-daan upang makilala siya bilang magaling na composer-singer-keyboardist.

Patuloy na kuwento ng 43-year-old musician, “A year later, nakilala ko ang isa pang banda.

“Pinakamagagaling na mga musikerong nakilala ko.

“Awa ng Diyos, trip nila ang keyboards.

“Awa ng Diyos, natripan din nila mga composition ko.

“Salamat Lord sa Rivermaya. @patparazziph

Ang original members ng Rivermaya na nakasama ni Rico (keyboards) ay sina Bamboo Mañalac (lead vocalist), Mark Escueta (drums), Nathan Azarcon (bass guitar), at Perf de Castro (guitars).

Kinalaunan ay naging lead vocalist si Rico matapos kumalas sa banda si Bamboo noong 1998.

Kinilala ang Rivermaya bilang kauna-unahang Filipino rock band na nag-perform sa 2006 MTV Asia Awards.

Nang sumunod na taon ay kumalas si Rico sa grupo at saka tumahak ng solo career.  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN