Kris Aquino cries over health scare; says goodbye to Kris TV

"I'm the sole parent, sole provider and they need me. Naano ako nung naiyak na yung dalawa... Kasi sabi ko, 'We have to pray every night for my good health.' Tapos yung tanong, 'Are you gonna die?'" said Kris Aquino who's determined to stay healthy for the sake of her sons Josh and Bimby.


Bumuhos ang luha ni Kris Aquino sa huling araw ng pag-ere ng daily morning show niya sa ABS-CBN na Kris TV.

Sa pre-taped episode ng naturang show ngayong araw, March 23, inihayag ni Kris na tinapat siya ng kanyang mga doktor na maaari niyang ikamatay ang patuloy na pagsubsob sa trabaho.

Payo raw ng doktor ni Kris, “I know you eat very healthy so that’s not really the issue. It really is work-related.”

Kaugnay ito ng madalas na pagtaas ng blood pressure ni Kris ilang linggo bago siya opisyal na magpaalam na pansamantala siyang aalis ng showbiz.

RISK OF SUDDEN DEATH. Mismong doktor din ng Queen of All Media ang nagsabing kailangang “30 percent” ang mabawas sa kanyang work load.

Malu-luhang pagbabahagi ni Kris, “Ito yung part na kinabahan ako.

“You can still be at risk of sudden death if a healthy lifestyle and rest is not sustained properly.”

Aminadong kinabahan si Kris sa lagay ng kanyang kalusugan, lalo pa’t mag-isa siyang nagtataguyod sa dalawang anak na sina Josh at Bimby. 

“I'm the sole parent, sole provider, and they need me.

“Naano ako nung naiyak na yung dalawa…

“Kasi sabi ko, ‘We have to pray every night for my good health.’

“Tapos yung tanong, ‘Are you gonna die?’ Yun talaga yung ano.”

Ayon pa kay Kris, naalarma ang kanyang bunsong anak na baka matulad sa namayapang direktor na si Wenn Deramas ang sariling ina.   

“Kasi si Bimb, dinala ko kay Direk Wenn [Deramas's wake], kasi they really had a good relationship also.'

“So, parang I think, medyo na-affect nung nakita.

“Kasi sinabi ko, ‘Bimb, you know, he’s only four years older than Mama.’

“So, nung gabing iyon, siguro na-process niya and all, ‘Would that also happen to you?’

“Sabi ko, 'I’m gonna do everything to make sure it doesn’t.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin din ni Kris na hirap ang kanyang kalooban nang tanggihan niya ang offer ng ABS-CBN management na bagong kontrata.

Kasabay kasi ng desisyon niyang panandaliang iwan ang showbiz ay nagtapos na rin ang exclusive contract niya sa ABS-CBN ngayong araw.

“I want to say thank you kasi yung bosses sa ABS—from Boss Gabby [Eugenio Lopez III] to Tita Cory [Vidanes]—they offered me to sign a contract.

“Yung talaga sinabi nila, ‘Pirma ka. Once you’re ready, were here.’

“And then I said, ‘I do not want to do that to you.

“'What if hindi pa ako ganoon kagaling at ayaw ko namang maging stagnant kayo kasi dynamic itong trabaho natin and all.’

“Pero super grateful talaga ako kasi hindi lahat ay bibigyan ng ganoon na, 'Balik ka kapag ready ka, hihintayin ka lang namin.'”

Kuwento pa ni Kris, pinigilan niya ang sariling makipag-meeting sa ABS-CBN management nang ayain siya ng mga ito kamakailan.

“Niyaya nila ako, ‘Lunch tayo.’ Sabi ko, ‘Hindi ko kaya.’

“Ayaw kong pumunta sa ABS-CBN, ayaw ko.

“This was hard pero I'm so grateful kasi super naman yung love sa mga messages and all.

“Parang sobrang bongga na pina-feel niyo na my life is also your life, na parang kung ano ang pinagdadaanan ko, yun din ang sa inyo.”

BACK TO WORK WITHIN THE YEAR? Gayunman, umaasa si Kris na siya ay makakabalik sa trabaho bago matapos ang taon.

Aniya, “I don't want to say goodbye kasi babalik ako, I'll make sure of that.

“Pero I have to come back na healthy ako.”

Sa ngayon, ayaw lang din niyang makadagdag sa alalahanin ng mga kapatid, kabilang na si Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, na magtatapos ang termino sa Mayo.

“It’s also ilang buwan na lang natitira kay Noy.

“Naaawa na din ako sa kanila na palaging nagtatawagan na ‘Kumusta yung bunso? Ano naman ang nangyari? Gaano kataas ang BP?’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaking bagay raw talaga para kay Kris na suportado ng kanyang mga kapatid ang desisyon niyang magpahinga muna sa trabaho.

“Sana hindi matapos ang 2016 ay nandito na ako ulit.

“Ate said, ‘Don't cry.’ So I said, ‘I'm not crying.’”

Para naman sa mga masugid na tagasubaybay ni Kris sa loob ng 20 taon niya bilang Kapamilya, “See you, I will end it with that, see you again.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN