Yam Concepcion reveals identity of current boyfriend

There's a glitch in the happy relationship of Yam Concepcion with her non-showbiz boyfriend Migue CuUnjieng—he's there in the U.S. But she is unfazed by the hazards of a long-distance romance, "Mahirap.... mahirap, pagkahirap-hirap. Wala naman akong choice, na-in love talaga ako, e."


Matagal na raw nagkaroon ng closure ang maikling relationship nina Yam Concepcion at Ejay Falcon, ayon na rin aktres.

Matagal na rin daw siyang nakapag-move on dahil mahigit isang taon na ang relasyon niya ngayon sa kanyang current boyfriend na si Miguel CuUnjieng

Every turn a surprise :-) @mrcuu

A photo posted by Yam Concepcion (@yam_concepcion) on

Kuwento ni Yam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Na-meet ko siya four years ago.

“Ever since nandyan na talaga siya sa buhay ko, pero long-distance relationship kasi kami.

“Ang maganda doon, at least may time for myself, for my career, siya rin.

“Nasa Georgetown sa Washington D.C. siya ngayon. O,  di ba?

“Doon siya nagtatrabaho, kakatapos lang niya ng master’s degree niya.”

Paano siya niligawan ni Miguel?

“Love at first sight kami noon, e, unang meeting namin.

“Nagkita na kami pero naudlot because he had to leave the Philippines to study, two years yun.

“Pero two years siya nandito, nag-work siya sa SM.

“Kasi siyempre bago ka makapag-master’s kailangan at least two years working experience.

“So, pumunta siya sa Washington, D.C., nag-aral siya doon. After two years, bumalik siya rito.”

Ilang taon na silang magkasintahan?

“We’ve been seeing each other for almost four years; officially on, one year and two months.”

Magkaibigan na sila ni Miguel noong naging sila ni Ejay?

“Oo, bago pa man si Ejay, si Miguel nasa picture naman talaga.”

Tinapos raw muna ni Miguel ang studies niya bago nito niligawan si Yam.

Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

Ayon kay Yam, “Matagal pa ‘yan kasi kaka-graduate lang ng master’s, tapos siyempre, he has to work more.

“Years ‘yan, hindi naman overnight na magiging stable.”

Paano kung dalhin siya sa Amerika ni Miguel at doon manirahan?

“Ay, sabi ko sa kanya, he has to adjust to what I want.  

“I want to live here, mas masarap naman ang buhay dito sa Pilipinas kung iisipin mo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, tuloy pa rin ang showbiz career ko, yun pa rin ang priority ko, agree naman siya.

“Sa ngayon, doon muna siya sa U.S. Businessman naman siya doon, e.

“I don’t want to hinder him kasi minsan may pag-ibig na sarado ang isip.

“Kami, we’re very open na, ‘Sige, nandoon ka, I trust you.’

“He trusts me sa ginagawa ko, ina-accept niya ako sa nature ng trabaho ko, so it works out.

“Every day ‘yan, araw-araw may ‘What’s up, Yam?’

“May FaceTime kami every other day, pero talaga ang focus namin is to grow pa rin as an individual.

“Pero sa kanya, hindi. Marunong kasi mag-ano… he knows how to treat a woman, alam niya, e.

“Tsaka sa mga pinagdaanan namin, yung foundation namin ay malalim na.”

Aminado si Yam na hindi madali ang long-distance relationship.

“Mahirap.... mahirap, pagkahirap-hirap.

“Wala naman akong choice, na-in love talaga ako, e,” nakangiting sabi ni Yam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN