Yam Concepcion and old flame Ejay Falcon patch up as friends

Yam Concepcion withstand physical pains playing the role of a suffering OFW in Magtanggol, Bagong Bayani. But according to her, the psychic pain cuts deeper. "Parang it became a bit real in the sense tinatamaan talaga ako… it's a very sensitive role to portray kasi hindi siya biro, e. Hindi biro na mag-portray ng isang babae na in-abuse na ganoon kalalim yung sugat na naranasan mo."


Inihayag ng sexy star na si Yam Concepcion na nagkaliwanagan na sila ng ex-boyfriend niya na si Ejay Falcon sa set ng indie film na Magtanggol, Bagong Bayani kunsaan pareho silang may mahalagang roles na ginagampanan.

“Oo, nag-usap na kami,” pagkukumpirma ni Yam nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng pelikula nila sa Malolos, Bulacan.

Kuwento pa niya, “Naglolokohan pa nga kami, e, sabi niya, ‘O, ano, bati na tayo.’

“Sabi ko naman sa kanya, ‘Oo, bati na nga tayo.’

“Pa-joke-joke na siya, hindi siya yung parang noon...

“Parang natatakot siya na nahihiyang lumapit, ganoon.
           
“Kumakain ako ng dinner dito [sa set], dumating siya, tapos sabi niya, ‘Hi, Yam.’

“Sabi ko naman, ‘O, hi,’ ganoon lang.

“Tsaka inaamin naman niya na hindi siya yung parang relationship na pagkatagal-tagal na ano.

“Siyempre nagka-debelopan lang dahil sa teleserye. May ganoon, di ba?

‘WE’RE OKAY.’ Nagkaroon ng espesyal na ralasyon sina Yam at Ejay noong ginagawa nila ang teleseryeng Dugong Buhay (2013) sa ABS-CBN.

Ano ang naramdaman niya nung nagkausap sila ni Ejay pagkatapos siyang hiwalayan nito sa pamamagitan lamang ng text?

“Wala lang,” sabay kibit-balikat ni Yam. “Parang ilang lang, pero hindi na ako affected kasi matagal na yun, e.”

Pagkatapos nga noon ay hindi na ulit sila nagkasama hanggang sa dumating ang proyektong Magtanggol, Bagong Bayani.

Kumusta ang pagtatrabaho nila ni Ejay sa set?

Natatawang sagot ni Yam, “Okey naman, professional!

“Hindi, siyempre noong una, nakakailang, kasi parang hindi naman kami nagkikita.

“Siguro last time naming nagkita was years ago.

“Yung last namin na usap yung phone patch pa namin sa Gandang Gabi Vice, yung kay Vice Ganda.

“After nun, we never talked na, ngayon lang ulit kami nagkasama dahil sa pelikulang ‘to at okey naman.

“With the help of our director, may ginawa siyang parang exercises, parang sensitivity workshop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkaharap kami, naka-blindfold just to be comfortable with each other.

“'Kapag hinawakan mo ang buhok niya, anong nararamdaman mo sa buhok niya?'

“‘Eto, ano ba ‘to?’ Parang ganoon, so we’re okay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN