Jodi Sta. Maria reveals how she was able to kick her bad habits

Kahit masasabing nasa kanya na ang lahat, aminado ang aktres na si Jodi Sta. Maria na nakaramdam siya ng kakulangan noon sa buhay.


Nasa Holy Land na sa kasalukuyan si Jodi Sta. Maria kasama ang ilang mga kaibigan.

Pero bago pa man siya lumipad, nakapanayam muna si Jodi ng late-night news show ng ABS-CBN na Bandila noong March 22.

Ayon kay Jodi, “Ibi-visit namin yung mga places kung saan nagti-teach si Jesus. Kung saan niya ginawa yung ministry niya.”

Sa naturang panayam din ay ikinuwento ni Jodi kung paano nagbago ang kanyang paniniwala sa Diyos.

Saad ng Kapamilya actress, kahit masasabing nasa kanya na ang lahat—maayos na karera, maginhawang buhay, mabait na anak, magandang relasyon—nakaramdam pa rin daw siya ng kakulangan.

“I felt empty,” sabi niya.

Dugtong pa ng dating Pangako Sa ‘Yo star, “I remember, sa Shrine Auditorium [Los Angeles, California], after ng performance namin, bumaba ako ng backstage, umiyak ako.

"Sabi ko, ‘Bakit ganun? Akala ko masasagot ng katanyagan yung emptiness na nararamdan ko sa heart ko.”

THE SERMON. Mula noon, pilit daw hinanap ng aktres ang kasagutan sa naramdaman niyang kakulangan.

Isang araw, niyaya siya ng veteran actress na si Coney Reyes na magsimba.

Saad pa ni Jodi, “The pastor, parang yung preaching niya, parang ang dating sa akin niya ginawa yung sermon niya.

"There’s this hole in our heart that only Jesus can fit.”

Mula raw noon, nag-iba na nang husto ang buhay niya.

“Before, I used to smoke, drink, yes. Wala na siya ngayon,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN