Ericka Villongco appeals to JaDine fans to stop bashing her: "Can't I live my life in joy and peace?"

Nanawagan si Ericka Villongco, ang dating girlfriend ni James Reid, na tigilan na sana siya sa pangba-bash ng fans ng aktor at ng girlfriend nito ngayong si Nadine Lustre. Aniya, "All I ask is that equal amount of respect I give to both James and Nadine because I genuinely wish them both nothing but happiness."


Nakikiusap ang newcomer na si Ericka Villongco sa fans nina James Reid at Nadine Lustre—mas kilala sa tawag na JaDine—na huwag na siyang i-bash ng mga ito.

Hanggang ngayon kasi, patuloy pa ring pinagsasalitaan ng hindi maganda si Ericka ng ibang JaDine fans sa kanyang social media accounts.

Ang iba ay tinatawag siyang "papansin," "retokada," "hindi maka-move on," at kung anu-ano pang masasakit na salita.

Si Ericka ay naging kasintahan ni James sa loob ng tatlong taon. Pebrero ng taong 2014 naghiwalay ang dalawa.

“CAN’T I LIVE MY LIFE IN JOY AND PEACE?” Nagsimula ang panibagong pamba-bash kay Ericka nitong Lunes, March 21, sa kanyang birthday post sa Instagram na may hashtag na #rebirth.

Sa comments section, tila may fans sina James at Nadine na hindi nagustuhan ang kanyang caption.

Sabi ng 22-year-old newcomer, sa loob ng anim na taon ay hindi siya nagalit o nagsalita man lamang laban kay James.

Nirerespeto rin niya kung anuman ang mayroon sina James at Nadine ngayon.

Sinabi rin niyang ito ang una at huli niyang pagsasalita tungkol sa isyu dahil, sa tingin ng haters at bashers, wala naman tama sa kanyang mga ikinikilos.

May iba pa rin daw siyang mga bagay na nais gawin at wala siyang oras para sagutin ang mga ito.

“I HAVE KEPT MUM…” Sa huli, sinabi rin ni Ericka na hindi lahat ng kanyang posts ay patungkol kay James o kay Nadine, kaya sana tumigil na ang bashers sa kaka-comment sa kanyang Instagram.

May ilan namang fans na nagsasabing hindi lahat ng JaDine ay bashers niya. Baka pakawala raw yung iba para lamang sirain ang araw niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN