Bret Jackson describes James Reid-Nadine Lustre relationship as 'cheesy'

Aminado si Bret Jackson na nakakaramdam siya ng inggit kapag nakikita niya ang lambingan ng magkasintahang James Reid at Nadine Lustre. Sabi pa niya, "Ang sweet nila, e."


Sa buong shooting ng pelikulang This Time nina James Reid at Nadine Lustre, kasama nila sa dressing room ang best friend ni James at co-star nila na si Bret Jackson.

Ito ang pangalawang pagkakataong nagkasama silang tatlo sa pelikula, una ay sa Talk Back and You’re Dead (2014).

Ngayon daw, medyo iba na ang kapaligiran sa set dahil hindi lang love team sa harap ng kamera kundi sa totoong buhay rin ay magkarelasyon na sina James at Nadine.

Sabi ni Bret sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “A little bit different this time, because last time hindi pa sila.

“This time, medyo we’re on the same tent, medyo a little bit cheesy sa tent.

“Ang sweet nila, e.”

Hindi naman daw siya naiilang sa lambingan ng dalawa ngunit medyo naiinggit daw siya.

Pag-amin ni Bret, “Actually looking at them, it’s like, urgh.”

GOOD BOY JAMES. Dahil sa bagong kabanata sa buhay ng kaibigan, hindi na raw sila madalas gumimik.

Saad ni Bret, “Not really, not anymore.

“James is turning more like career-oriented.

"And like girlfriend-oriented.

“Good boy na siya, e.”

Pagdating naman sa sariling love life, aminado si Bret na tumigil na siya sa panliligaw kay Ella Cruz.

Sabi pa niya, “Both of us are focusing on our career.”

Ang This Time ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa last week ng Abril.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN