Sarah Geronimo joins Matteo Guidicelli in Cebu to celebrate his birthday

Matteo Guidicelli celebrated his 26th birthday with girlfriend Sarah Geronimo in Cebu.


Ilang araw matapos makitang magkasama sa isang kasal, muling namataan ang magkasintahang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Cebu kahapon, March 26.

Sinamahan ng Popstar Princess ang kanyang singer-actor boyfriend sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-26 kaarawan.

Read: Matteo Guidicelli celebrates birthday with his “mahal” Sarah Geronimo

Tulad nung nakaraang taon, hindi naiwasang maibahagi ang ilang larawan nilang magkasama sa social media.

Ayon sa isang PEPster na nagbahagi ng mga larawang ito, magkasama ang dalawa sa Go-Karting Adventure sa Kartzone sa Cebu.

Pagkatapos ay sumama rin daw si Sarah sa opening ng restaurant ni Matteo.

Narito pa ang ilang larawang magkasama ang dalawa:

Ayon sa isang nagbahagi ng mga larawan sa PEP, “Walang chaperone si Sarah” sa kanyang pagpunta sa Cebu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN