Sef Cadayona doesn't mind being replaced by JaDine in ice cream ad

Sef Cadayona says he doesn't mind being replaced by James Reid and Nadine Lustre's loveteam for Cornetto's new ad campaign, despite having been the brand's endorser since 2009. He says, "Sinabi naman nila sa akin that they want to focus on love teams. Kaya perfect daw sina James Reid at Nadine Lustre sa bagong commercial concept nila. If they want to go in a different direction, walang problema sa akin."


Buong-pusong tinanggap ng Kapuso comedian na si Sef Cadayona na hindi na siya ang bida sa bagong TV commercial ng iniendorso niyang ice cream brand na Cornetto.

Wala raw sama ng loob si Sef dahil pitong taon din daw siyang naging endorser ng naturang produkto.

Bago pa man sumali sa reality-based artista search na StarStruck V ng GMA Network si Sef, nagbida na siya sa kauna-unahang “20 Pesos” TV commercial ng Cornetto.

“That was 2009 pa.

“Tapos, naging series na nga dahil marami ang natuwa sa ano pang manyayari sa 20 pesos.

“So, seven years akong gumawa ng commercials for Cornetto at malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil nakilala ako dahil sa mga ginawa kong mga TV commercials.

“Tumatak na sa isipan ng marami ang '20 Pesos' series kaya hindi naman ako agad na makakalimutan kahit na hindi na ako ang endorser ng Cornetto,” pahayag ni Sef nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Dear Uge sa Sienna College, San Francisco del Monte, Quezon City, noong March 18.

JADINE AS NEW ENDORSERS. Ang JaDine loveteam nina James Reid at Nadine Lustre na ngayon ang bida sa bagong TVC ng Cornetto.

Ayon kay Sef, “Sinabi naman nila sa akin that they want to focus on love teams.

“Kaya perfect daw sina James Reid at Nadine Lustre sa bagong commercial concept nila.

“Walang issue sa 'kin yun. Malaki ang naging tulong sa akin ng Cornetto.

“Kaya if they want to go in a different direction, walang problema sa akin.”

Napunta naman daw sa maayos ang kinita ng aktor sa pag-endorse niya ng nasabing ice cream brand dahil nakabili siya ng bagong bahay sa Alabang Hills Village, sa Alabang, Muntinlupa.

Inamin ni Sef na kuripot siyang tao kaya halos lahat ng mga kinita niya sa TVC ay inipon niya at iyon ang ipinambili niya ng kanyang pinapangarap na bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Small percent lang ng talent fee ko from Cornetto ang nagagastos ko.

“The rest ay sine-save ko sa bangko kaya noong magkaroon ng opportunity na makabili ng bahay, meron tayong naibayad.

“Yun kasi ang dream ko for my family – na makabili ako ng bahay.

“Natupad ko naman yun kaya malaki ang pasasalamat ko.

“Magtu-two years na kami sa bahay at tuwing tinitingnan ko siya, napapangiti ako kasi katas ng ice cream ang pinambili ko sa bahay namin!” natatawang sabi ni Sef.

LIFE AFTER JUAN TAMAD. Samantala, natapos na rin ang weekly comedy series ni Sef sa GMA- na Juan Tamad.

Saad niya, “Nakakatuwa dahil marami kaming pinasaya at nabigyan ng aral dahil sa Juan Tamad.

“Sad lang din kasi after two seasons ay nagpaalam na kami.

“Nakaka-miss ang mga kasama ko sa show. Kasi ang saya lang namin sa taping.

“Walang stress at lahat magkakasundo.

“Sabi nila baka magkaroon ng bagong chapter ang Juan Tamad.

“Ipinagdarsal ko na sana meron dahil maraming mga bata ang natutuwa sa show at tuwing nakikita nila ako, Juan Tamad ang tawag nila sa akin.”

Ngayon ay magbibida si Sef sa isang episode for Dear Uge kunsaan gaganap siya bilang isang lalaki na hindi alam na bading pala siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN