Elyson de Dios reveals "special friends" status with loveteam partner Ayra Mariano

Elyson de Dios reveals what he likes most about his loveteam partner Ayra Mariano: "Ano siya, loyal. Siya yung tipo ng babaeng isang lalaki lang talaga."


StarStruck days pa lang, naging open na si Elyson de Dios sa intensiyon niyang ligawan ang ka-love team niyang si Ayra Mariano.

Sina Elyson at Ayra ang itinanghal na First Prince at First Princess o runners-up ng Ultimate Survivors na sina Migo Adecer at Klea Pineda sa nasabing artista search ng GMA Network.

Pero na ang status nila ngayon?

Ayon kay Elyson, “Status namin ngayon? Friends pa rin, special friend.”

Hindi pa rin siya sinasagot ni Ayra?

“Yes, in God’s perfect time. I’m patient,” nakangiting sagot ng newcomer sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang mga nagustuhan niyang katangian ni Ayra na nakahanda siyang maghintay kung kailan siya sasagutin nito?

Sagot ni Elyson, “Ano siya, loyal.

“Siya yung tipo ng babaeng isang lalaki lang talaga,” sabi ng Cebuanong binata, na ang ibig ipakahulugan ay ang pagiging one-man woman ng ka-love team.

NO VIDEO SCANDALS. Natawa naman si Elyson nang tanungin namin tungkol sa video scandals ng ilang male celebrities. Hindi kaya magulat na lang ang lahat at mayroon din pala siya nito?

“Wala! Wala akong ganun!” bulalas niya.

“Wala, hindi ako gagawa ng ganun, yung sex video.

“Meron naman akong mama na nagga-guide sa akin at saka may mga ate ako.”

Diin pa ni Elyson, “Hindi ako ganung lalaki.”

FIRST TELESERYE. Samantala, pagkatapos ng StarStruck ay mayroon nang teleserye sina Elyson at Ayra.

Kasama sila sa cast ng bagong primetime series ng GMA Network na Poor Señorita, na pinagbibidahan ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

Saad ni Elyson, “Thankful din po ako kay Ms. Regine Velasquez kasi, pinili niya kami ni Ayra and kinabahan din ako ngayon.”

Cebuano si Elyson at aminadong hindi pa talaga siya sanay sa pagsasalita ng Tagalog, kaya hindi raw talaga niya maiwasang hindi kabahan ngayong may teleserye na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman siya sa Poor Señorita kung alam niyang may kakulangan pa rin siya sa pagsasalita ng Tagalog?

Pag-amin niya, “Nawu-work out naman po, kasi tinutulungan ako ni Direk [Dominic Zapata] na, 'Relax lang, huwag kang kabahan,' yung ganun po.”

Nakauwi na rin daw siyang muli ng Cebu.

STILL HUMBLE DESPITE FAME. Ipinagmamalaki ni Elyson na walang nagbago sa kanya kahit napapanood na siya sa telebisyon.

“Friends ko sila, e, walang magbabago.

“Wala yung, 'Uy, mataas na, bago na yung ano namin sa kanya.'

“Kung totoong kaibigan talaga, wala yung ganun. Walang magbabago.”

Yung napanalunan daw niyang pera sa StarStruck ay ipinambili niya ng PS4.

“Yun naman talaga ang gusto ko dati pa at saka bata pa naman ako.

“Happy na ko run, contented na ko.”

NO COMPETITION WITH MIGO. Anong pakiramdam na kahit si Migo ang ultimate winner sa StarStruck, siya ang unang pinagkatiwalaan ng network na mabigyan ng primetime series?

“Happy,” sambit ni Elyson.

Masaya siya na naunahan niya ito sa pagkakaroon ng teleserye?

Paglilinaw niya, “A, hindi naman yun. Siya nga ang nanalo, e.

“I mean, happy rin ako sa kanya, kasi magkakaroon din naman siya ng show.”

Sina Migo at Klea ay kasama sa cast ng Encantadia remake.

Kapag sinasabing mas malakas ang dating niya kesa kay Migo, ano ang nararamdaman ni Elyson?

“Totoo ba ‘yan?” balik-tanong niya.

Pero sabi rin niya, “Well, stay humble, huwag lalaki ulo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN