Ayra Mariano sees no rivalry with StarStruck batchmate Klea Pineda

Ayra Mariano on her showbiz career: "Hindi naman po talaga ako competitive. Competitive siguro in a way na nagtatrabaho ako para sa sarili ko lang, pero hindi ko iniisip na maraming ikukumpara sa akin. Ako, nagtatrabaho ako para sa sarili ko, gagawin ko kung ano ang kaya ko."


Iginiit ng StarStruck 6 First Princess na si Ayra Mariano na wala silang rivalry ng itinanghal na Ultimate Female Survivor na si Klea Pineda.

Kaya naman ipinagkikibit-balikat na lamang niya ang sinasabi ng ilan na tila naungusan na niya si Klea dahil mas una siyang nagkaroon ng primetime series.

Kasama si Ayra sa cast ng Poor Señorita na pinagbibidahan ni Regine Velasquez.

Pahayag ng newbie actress, “Ano po, hindi ko naman po talaga kinu-compare ang sarili ko sa kahit na sino.

“Kasi ano po, hindi naman po talaga ako competitive.

“Competitive siguro in a way na nagtatrabaho ako para sa sarili ko lang, pero hindi ko iniisip na maraming ikukumpara sa akin.

“Ako, nagtatrabaho ako para sa sarili ko, gagawin ko kung ano ang kaya ko.

“Pero ako talaga, masaya ako kasi siyempre kaibigan ko nanalo.

“Alam ko rin naman na may upcoming show siya at sabay kaming nagtatrabaho at dream kasi namin ‘to.”

Dagdag ni Ayra, “Before po kasi ng StarStruck, nag-uusap kami, 'Paano kaya kapag artista na tayo?' 'Uy, nandito ako sa taping. Ikaw, kumusta?' Yung ganyan.

“Ako po, happy ako, kasi nag-start na po ang journey ko dito sa showbiz.

“And thankful ako sa StarStruck kasi kung hindi naman dahil sa show, hindi ako madi-discover.”

NO ROMANCE WITH ELYSON—YET. Kapareha ni Ayra sa Poor Señorita ang ka-batch niya sa StarStruck na si Elyson de Dios.

Matagal nang napapabalitang nanliligaw sa kanya ang binata, kaya tinanong ng PEP si Ayra kung sila na ba.

“Friends pa rin kami!” natawang sagot ni Ayra.

“Yung totoo po, focused kami ngayon sa work at kung paano namin ipapakilala ang love team namin.

“And paano namin papakiligin ang mga tao dahil parang yun ang expectation sa amin, lalo na si Ate Reg.

“Mas winu-work pa namin ang chemistry.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagpapasalamat naman daw niya na “patiently waiting” lang si Elyson sa kanya.

“Kasi po, bihira lang din naman ang mga taong ganyan na may mga promises.

“Pinagtitiwalaan ko kasi, Elyson of God nga siya. De Dios, di ba?” hirit ni Ayra.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN