Angelica Panganiban's hugot line: "Oo, split na kami. Hiwalay na kami."

Angelica Panganiban delivered an emotional hugot line on Banana Sundae: "Oo, split na kami. Hiwalay na kami. Bakit kailangan mo pang ipagdiinan? Ano ngayon, masaya ka na?"

 


“Oo, split na kami. Hiwalay na kami.”

Ito ang madamdaming linyang binitiwan ni Angelica Panganiban sa “BangkongHugot” segment ng Banana Sundae kahapon, March 27.

Nagsimula ang naturang skit nang iabot ni Angelica, na gumanap bilang isang bank teller, ang isang bungkos ng tig-isang libong piso kay Jayson Gainza.

Sabi ni Jayson, na nais sanang pabaryahan ang natanggap na pera, “Buo lahat? Puwedeng pa-split naman nitong P1,000?”

Isang matinding hugot line ang isinagot ni Angelica: “Split? Hiwalay?

“Oo, split na kami. Hiwalay na kami.

“Bakit kailangan mo pang ipagdiinan?

“Ano ngayon, masaya ka na?”

Pagkatapos titigan ng masama si Jayson ay sabay walkout na si Angelica.

BACK-TO-BACK HUGOT. Hindi maiwasang mabigyan ng kulay ang naturang skit dahil na rin sa breakup ni Angelica at ng dating nobyo na si John Lloyd Cruz.

Dagdag pa rito na ipinalabas din sa Kapamilya network ang pelikulang That Thing Called Tadhana na pinagbibidahan nina Angelica at JM de Guzman.

Minsan nang tinawag na "ultimate hugot movie" ang naturang pelikula dahil sa pagtalakay nito kung paano hinarap ng karakter ni Angelica ang pakikipagkalas ng kanyang nobyo.

Ngunit mismong si Angelica ay idinaan sa biro ang pagsuporta ng mga manonood sa kanyang "back-to-back hugot" kahapon.

Base na rin ito sa quote card na ibinahagi ni Angelica na nagsasabing, “Pleasure may come from illusion, but happiness can come only of reality.

Sabi pa ni Angelica sa caption" “Goodnight. happy easter! Salamat sa back to back na hugot support. Ito ang message ni mace for tonight. Embrace nyo to. Hehe!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN