Kathryn Bernardo celebrates 20th birthday with rumored BF Daniel Padilla in Balesin

Rumored couple Daniel Padilla and Kathryn Bernardo spent the Holy Week break in Balesin Island Club.


Dumagdag ang rumored couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa showbiz personalities na kinakaligan nitong nagdaang Holy Week break.

Ito ay matapos kumalat sa social media ang mga kuha nina Kathryn at Daniel na nagbakasyon sa exclusive at for-members-only Balesin Island Club sa Polilio, Quezon.

Kitang-kita ang matamis na pagkakangiti ni Kathryn sa isang larawan kung saan makikitang nakaakbay sa kanya si Daniel.

Kapansin-pansin ding panay holding hands sina Daniel at Kathryn sa kanilang bakasyon sa naturang resort:

Narito ang isa pang larawan na makikitang magkahawak-kamay sila:

Hindi naman pinalampas ni Daniel ang pagkakataong magpakita ng sweet gesture para sa ika-20 kaarawan ni Kathryn noong Sabado, March 26.

Base na rin ito sa pagsulat ni Daniel sa buhangin ng kanyang birthday message para sa dalaga na kung tawagin niya ay “Bal.”

Minsan nang nabanggit ni Daniel na ito ang term endearment nila sa isa't isa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN