James Reid reunites with his mom in London

Masayang-masaya ang ina ni James Reid na si Maria Aprilyn nang muli niyang makita ang anak. Nakatira na sa Scotland ang ina ng Kapamilya heartthrob na hiwalay na sa kanyang ama noong dalawang taong gulang pa lang si James.


Muling nagkita si James Reid at ang ina nitong si Maria Aprilyn Marquinez o Mommy Ella sa London, England, nitong nakaraang Sabado, March 26.

Nakatakdang mag-show si James at ang real-life girlfriend nitong si Nadine Lustre sa ExCeL (Exhibition Center London) kinagabihan para sa kanilang JaDine In Love World Tour 2016.

Nakatira na ngayon sa Scotland, United Kingdom, ang mommy ni James.

Hiwalay na ito sa Australian father ni James mula noong dalawang taon pa lamang ang Kapamilya star.

Sa Twitter, sabi ni James: “Mum came to my show in London :) Don't cry cuz I love you!”

May kasama pa itong larawan nilang dalawa.

Halos mangiyak-ngiyak din ang ina ni James habang pinapanood ang anak sa entablado.

JaDiine In Love London ???? @jaye.wolf's mom in the audience ??proud of her baby boy

A video posted by VAA (@vivaartistsagency) on

Malaki naman ang pasasalamat ni Mommy Ella sa JaDine fans sa UK dahil sa naging tulong ng mga ito upang muli silang magkita ng panganay na anak.

Very "happy and proud" daw siya sa tagumpay ng anak.

Samantala, bago pa man ang show nila noong Sabado, nakipagkita muna sina James at Nadine sa Filipino nurses na nagtatrabaho sa London.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN