Nora Aunor calls son Ian de Leon a 'hero' for rescuing a child

Nora Aunor is proud of son Ian de Leon's act of kindness when the latter rescued a 10-year-old child after an accident. "Kaya para sa akin, talagang sa akin, hero sa akin yung batang anak ko," says the Superstar.


Proud ang Superstar na si Nora Aunor sa anak niyang si Ian de Leon dahil sa ginawa nitong pagtulong sa isang batang naaksidente noong March 27.

Sa press conference ng kanyang pelikulang Whistleblower kahapon, March 29, sa Gloria Maris Restaurant ng Gateway Mall, natanong ng press kung ano ang kanyang masasabi sa ginawa ng anak niya kay Christopher de Leon.

Idinaan ng Superstar sa biro ang sagot niya.

“Proud, kasi nagmana [sa akin]. Ay, nagmana!

“Hindi po, napakagandang gesture na ginawa niya na tumulong sa isang bata na naaksidente.

“At kung kahit na sino sigurong tao na makakakita, e, gagawin yun. Pero nakatingin lang [yung iba], di ba?

“Kaya para sa akin, talagang sa akin, hero sa akin yung batang anak ko.”

Naibalita ang ginawang pag-rescue ni Ian sa isang bata matapos mag-post sa Facebook ng pasasalamat ang ina ng batang naaksidente na si Kristine Madrigal Sarmiento.

Read: Ian de Leon rescues child hit by a motorcycle: 'Kahit sino ang nasa lugar ko, gagawin rin ang nagawa ko.'

JOHN RENDEZ. Natanong din si Nora sa pocket interview kung nakakasama niya nang madalas ang kanyang mga anak na sina Ian, Lotlot, Matet, Kenneth, at Kiko mula nang makabalik siya sa Pilipinas.

Ayon sa Superstar, nagkakausap pa rin sila ng kanyang mga anak subalit hindi na sila masyadong madalas magkita dahil sa sunud-sunod na trabaho.

Subalit sino ngayon ang madalas na nakakasama at nag-aalaga sa kanya?

Ang kanyang sagot: “Si John [Rendez].

“Si John talaga, mula nang nasa States ako ng walong taon, 'yan yung kahit may pera, walang pera, walang makain, 'yan ang taong hindi ako iniwanan.”

Dugtong pa ni Nora, “Pero hindi ko siya boyfriend, gusto ko lang linawin.

“Kumbaga, naging guardian na rin [siya] sa akin.

“Kasi pag may mga mali akong desisyon, siya yung nagpapamulat sa akin.

“Ganoon din ako sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN